Sabado, Hulyo 4, 2020

TWILIGHT AT ABOVE THE CLOUDS, MAPAPANOOD NGAYONG LINGGO SA GMA-7




Handog ng GMA Network ang dalawa sa all-time movie favorites ngayong Linggo (Hulyo 5).
Mapapanood sa Kapuso Movie Festival ang isa sa pinakasikat na young adult fantasy films, ang Twilight. Napilitan ang dalagang si Bella Swan na mamuhay kasama ang kanyang ama sa Washington state pagkatapos na mag-asawang muli ang kanyang ina. Dito ay magbabago ang kanyang buhay dahil sa misteryosong lalaking si Edward Cullen na isa palang bampira.
Samantala, kaabang-abang naman sa GMA Blockbusters ang Above The Clouds na tampok ang Kapuso actor na si Ruru Madrid. Kuwento ito ng isang lalaking umakyat sa bundok kasama ang kanyang lolo. Dito ay sinubukan niyang hilumin ang kanyang mga sugat mula sa pagkamatay ng kanyang mga magulang.
Huwag palalampasin ang movie treats na ito ngayong Linggo sa Kapuso Movie Festival pagkatapos ng Miss Philippines Earth 2020 telecast at GMA Blockbusters pagkatapos ng Dear Uge sa GMA. 

EXCITING STORIES SA KMJS NGAYONG LINGGO



Tiyak na aabangan ng viewers ang exciting stories ngayong Linggo ng gabi (July 5) sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).
Sa Cebu, isang bata ang natuhog ng bakal na tumagos sa kanyang likod at leeg. May tumulak ba talaga sa kanya kaya nangyari ang aksidente? Iimbestigahan ito ng KMJS.
Kilalanin ang mga tunay na “legend” sa Mobile Legends. Nariyan ang nanay na dumo-double kill sa Mobile Legends at ang live streamer na si ChooxTV na nakapagpatayo ng dream house nang dahil sa paglalaro ng nasabing mobile game.
Binabalatan pa lang, nakakapangasim na! Lalo itong nakatatakam kung bubudburan na ng asin.  Ang next stop ng food trip ng KMJS? Santol Station!
Samantala sa Maguindanao, dalawang teenagers ang ikinasal alinsunod sa kanilang kultura. Paano kaya ang magiging buhay ng batang mag-asawa?
Gaano naman katotoo na ang isang elemento sa Minalungao River sa Nueva Ecija, nangunguha raw ng mga pogi?!
Ang isang ina naman mula sa Pila, Laguna, para lang guminhawa ang pakiramdam, itinatali sa kisame. Ano ba ang nagpapahirap sa kanya?
Mahigit 20 taon na ang nakakaraan nang pinaghiwalay ang kambal na si Rudy at Christian. Ang sanggol pa lang noon na si Rudy, dinala sa Japan nang umampon sa kanyang Pilipina at Hapones. Makalipas ang dalawang dekada hinahanap na ni Rudy ang kakambal niyang Pilipino. Nakatadhana na nga ba ang muli nilang pagkikita?
Tutok lang sa Kapuso Mo, Jessica Soho, Linggo, 8:25 pm sa GMA 7. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento