Sabado, Hulyo 4, 2020

KAHANGA-HANGA SI NICK VERA PEREZ




Ibang klase ang kabaitan ni Nick Vera Perez. Totoong may malasakit siya sa intertainment press. Malayong-malayo sa karamihang artista sa showbiz na walang pakialam sa mga manunulat na hirap na hirap na dahil sa Covid-19 pandemic na nararanasan.
Kahit noong panahong wala pang pandemya na feel na namin ang importansyang ibinibigay ng tinaguriang Total International Entertainer dahil sa bawat media presentation niya ay mistulang VIP ang press people. Maliban sa masarap na pagkain, kaaya-ayang venue, may pa-award pa siya sa mga writer.
Naalala ko pa noong nagpaskil sa Fb si sir Nick ng invited press para sa kanyang presscon, wala ako sa list. Nag-react ako ng sad emoji. Agad siyang nag-pm sa akin, sabi nya 'wag na akong malungkot dahil invited na ako.
Hindi lang siya generous kundi compassionate rin!
Heto nga, hindi man natuloy ang kanyang I Am Ready Grand Concert  last May 23, 2020 dahil sa sitwasyon ngayon, naging aktibo pa rin siya sa pagtulong sa mga kababayang nangangailangan sa pamamagitan ng apat na major projects na pinamahalaan niya.
Unang-una rito ay ang NVProjecTAAL20  kung saan inatasan ni NVP ang NVP1 Smile World angels na mamahagi ng food supplies sa 100 pamilya na naapektohan ng Taal eruption.  Pangalawa, NVProject: PPP (Pagkain Para sa Pamilya) – May 145 poorest of the poor families ang natulungan ng NVP1WORLD Disaster Aide program nang mawalan ang mga ito ng pagkakakitaan dulot ng lockdown. Pangatlo, NVProject Press2020 – Ilang entertainment press ang naayudahan  nang mabahaginan sila ng biyaya  (WeeChicken at tig-isang sakong bigas). Pang-apat, NVProject: PPE – Balik-pasasalamat ni Nick at ng NVP1Smile World sa UST College of Nursing na namahagi ng PPEs (Personal Protective Equipments) sa mga healthcare workers sa mga hospital sa pamumuno ng Dean ng College of Nursing na si Rowena Chua at ilang propesor gaya nina Ms. Ida Tionko, Ms. Rouenna Villarama at Ms. Trinidad Ignacio.
Talagang hindi matatawaran ang pagmamalasakit ni Nick sa kanyang mga kababayan kahit sa Chicago, Illinois siya naka-base bilang isang registered nurse.
Eniwey,  ang na-postpone na show niya sa Luxent Hotel Grand Ballroom na kinatatampokan nina Erika Mae Salas ng Viva/Ivory Records,  Kikay/Mikay, Ynez Veneracion, at ang kanyang USA stars na sina Irelyn Arana at Rock Star Diva Rozz Daniels, ay makakasama pa rin ni sir Nick sa December 25, 2021.



3 komento: