Sabado, Hulyo 4, 2020

AYON KAY BEA, PAGLIPAT NYA SA TV5 FAKE NEWS




Sinulat ni katotong Salve V. Asis sa kanyang hawak na pahayagan ang tungkol sa offer ng isang big time producer kina Bea Alonzo, Jericho Rosales at Piolo na gumawa ng teleserye na ipalalabas sa TV5 bilang blocktimer.
Ayon pa umano sa source ni Salve, sinuspende na raw ang kontrata ng mga artista sa Kapamilya Channel kaya pwede na raw sumampa sa ibang bakod ng ibang network ang mga talent nila.
Subalit pinabulaan ni Bea ang nasabing artikulo. 
"Sa kanyang IG Story, ni-repost ni Bea ang mismong post ng Kapamilya Kingdom na naka-credit sa PhilStar at sinabing fake news ito. Matapos nito ay ‘agad binura ng PhilStar ang nasabing article ngunit naiwan naman sa Google ang AMP version nito na accessible pa rin hanggang ngayon," ayon sa caption ng Kapamilya Kingdom sa Fb sa larawang tinatakan ni Bea ng fake news.
Well, hindi sinabi sa arikulo na tinanggap ng tatlong Kapamilya artists ang offer specially ni Bea na nagsabing fake ang nasabing balita.
Pero teka lang, alin ba ang sinasabi ni Bea na fake, ang offer sa kanila o ang sinasabing binuksan na ng ABS CBN ang kanilang koral kaya nagpulasan na ang kanilang mga talent at kanya-kanya na ng destinasyon.
Walang breach of contract na mangyayari dahil may go signal na ang management.
Maaaring sinabihan sila na maghanap na muna ng proyekto sa ibang bakuran dahil wala pa silang maibibigay na trabaho. Pero ang pakawalan sila ng ganun na lamang ay mukhang malabo. Mangyayari lamang yan kung wala nang plano ang mga Lopezes na muling buksan ang kanilang istasyon.
Dalawang taon na walang trabaho ay hindi pa maghihirap sina Bea, Piolo at Jericho. 
Yun na!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento