Simula nitong July 1, apat na beses na sa isang linggo mapapanuod ang award-winning na infotainment show na AHA! kasama si Drew Arellano. Mula Miyerkules hanggang Biyernes, 8:25 am ito eere sa GMA-7, habang tuluy-tuloy pa rin ang original timelot nito na 8:15 am tuwing Linggo.
Noong July 1, inalam ni Drew ang mga paandar pagdating sa mga personal transport vehicle gaya ng electric go kart at electric roller blades. Napanuod din kung paano nga ba nangyayari ang abnormalities at birth defects sa mga hayop at kung paano dapat suportahan at alagaan ang mga hayop na may ganitong kondisyon.
Nitong Huwebes naman, nagpunta ang AHA! sa isang ToyCon kung saan pati mga manyika, rumampa at nagpagandahan din. Nag-throwback din ang programa sa mga sinaunang toy dolls na pinaglaruan nina mommy at lola.
Ngayong Biyernes, susubukan naman ng AHA! squad ang iba't ibang games na inspired mula sa 'Running Man!' Papasukin din nila ang 16th century dungeons sa Baluarte de San Barbara sa Fort Santiago sa Intramuros na dating ginawang imbakan ng mga sandata at bala noong panahon ng mga Kastila. Alamin ang mga kuwento tungkol sa makasaysayang lugar na ito.
Totoo nga kaya ang mga duwende? Alamin ang iba’t ibang kuwento at paniniwala tungkol sa mahiwagang nilalang na mga ito. Samantala, nag-viral noon ang batang sobrang nai-stress nang makalunok ito ng butong pakwan. Ano nga bang mangyayari kung nakalulon ng buto ng pakwan? Totoo nga bang may tutubong puno sa loob ng ating katawan?
At pagdating naman ng Linggo (July 7), makakasama ng AHA! si Boobsie Wonderland sa espesyal na segment na 'Let's Do It! Let's Drew It!' Kakasa kaya si Boobsie sa mga hamon ni Drew gaya ng 'AHA: Walang Tatawa Challenge with a Twist', 'Tongue Twister Challenge' at iba pa?
Sa iba pang AHA-mazing stories, ano nga ba ang 'kinetic sand?' Anu-ano ang mga katangian nito at nagagawa itong iporma o imolde sa iba't ibang hugis? Iyan ang ibibida ni Ka-AHAng Ivan Dorschner na may bonus pang music video!
At sinong mag-aakalang may ice hockey team din ang isang tropical country na gaya ng Pilipinas?
Learn from home four times a week sa AHA! Miyerkules hanggang Biyernes, 8:25 am, at Linggo, 8:15 am sa GMA!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento