Biyernes, Hulyo 10, 2020

FRESH EPISODES NG TASTE BUDDIES, MAPAPANUOD SA GMA-7


Mas maraming rason pa upang mag-stay at home muna ang mahihilig sa food adventures o foodies dahil simula ngayong Linggo (July 12), may handog na fresh episodes ang lifestyle show na “Taste Buddies” na mapapanuod sa GMA-7.
Panuorin ang never-before-seen videos ng mga food adventure na kinunan ng programa bago pa ipatupad ang Enhanced Community Quarantine.
Habang nasa maternity noon ang Taste Buddies host na si Solenn Heussaff, sinubukan  ng kanyang co-host na si Gil Cuerva ang mga must-try dish sa Baguio at inikot ang mga cool food spot sa Makati. Kasama niya pa sa gastronomic adventures ang Kapuso stars na sina Michelle Dee, Kate Valdez, Nikki Co, Lexi Gonzales, Angel Guardian, EA Guzman, Anjo Damiles, at Jason Abalos.
May bagong tricks at tips din na handog ang show para sa mga nasa bahay upang i-level up pa ang kanilang egg dishes.
Abangan ang katakam-takam na fresh episodes ng Taste Buddies simula ngayong July 12, 10:05 a.m., sa GMA 7. Muli naman balikan ang mga masasayang episodes ng programa sa orihinal nitong timeslot tuwing Sabado, 8:30 pm sa GMA News TV.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento