Miyerkules, Hulyo 22, 2020

GMA AFFORDABOX, MABENTA AT PATOK SA NETIZENS





Successful ang naging launch ng Kapuso Network ng sarili nitong digital TV receiver – ang GMA Affordabox.
Marami ang natuwa sa kakaibang features ng GMA Affordabox lalo na ang pagkakaroon nito ng personal video recorder kung saan maaari nang ma-record ang mga programa ng GMA.
Sabi sa Facebook comment ni Hermeliza Urbano, “Pedeng-pede mo pang ulit-ulitin mga shows na gustong-gusto mo, irecord mo lang siya. Galing talaga pag GMA ang nagrelease. Love it!
Binahagi naman ng isa pang netizen na si Pee-Jay Vera kung ano ang nakapagpa-angat sa GMA Affordabox at bumilib sa features nito. "Saka importante, walang broadcast encryption ng signal at makakasagap ng FTA with stable signal."
Sa Twitter naman, sabi sa tweet ni @xmiledatcom, “Parang ang shala ng GMA Affordabox. May pa-recording na gaya sa US.”
Comment naman ng isang YouTuber na si Jayson Abad, “We’re very excited with this product, well researched, most comprehensive, and excellent digital transmitter as the country needs to shift from analog to digital TV. Kudos GMA!”
Five-star rating naman ang binigay ng mga nakabili na ng GMA Affordabox sa online shopping sites at puro positibo ang mga naging review nila.
"This is exactly what I was looking forward to GMA Network! Congratulations and happy 70th anniversary KAPUSO NETWORK. Sobrang linaw, sulit and affordable talaga. No glitches and no interruptions. More power and God bless!" sabi ni marklouie1996 na bumili sa Shopee.
Sa Lazada naman, review ni Crissen J, “Smooth scanning, no blank channels, mas mataas ang strength at quality ng mga channelSana magdagdag pa ng digital channels like for anime, music videos, and throwback channel for gma drama, comedy, and old documentaries from gma public affairs..thanks gma store, Lazada and Lex PH for delivery.”
Gaya ng pangalan nito, talagang sulit at abot-kaya ang GMA Affordabox dahil wala na itong dagdag na bayad pa matapos ang one-time purchase na P888.
Madali rin itong maikonekta sa isang analog TV upang makasagap ng digital broadcast kung saan mapapanood ang GMA, GMA News TV, at Heart of Asia nang mas malinaw at mas makulay kasama na rin ang iba pang free-to-air digital TV channels sa kanilang lugar.
Wala ring pay-per-view channels o shows ang GMA Affordabox dahil hindi ito gumagamit ng Conditional Access System (CAS).
Marami pang bonus features ang GMA Affordabox. Maaari rin itong maging multimedia player gamit ang USB port at may nationwide Emergency Warning Broadcast System (EWBS) na nagbibigay-babala sa bawat tahanan para mas maging handa sa anumang klase ng emergency sa kanilang lugar.
Mabibili ang GMA Affordabox sa appliance stores at online sa GMA Store na makikita rin sa Shopee at Lazada. Available ito sa Metro Manila, Benguet, La Union, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bohol, Cebu, Leyte, Davao de Oro, Davao del Sur, at Davao del Norte.
Para sa karagdagang detalye, pumunta lang sa website na www.GMAaffordabox.com at official social media accounts ng @GMAaffordabox.
Para naman sa mga katanungan, tumawag lang sa hotline (02) 8857-4627 sa Metro Manila o sa 0961-252-9393 para sa mga outside Metro Manila mula 8AM hanggang 10PM. Maaari ring magpadala ng e-mail sa support@GMAaffordabox.com.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento