Isa sa tinututukan namin tuwing umaga on Facebook ay ang singer, businessman and motivational speaker na si Gari Escobar Gabrinao. Effective ang kanyang public speaking on Fb dahil nagbibigay siya ng inpirasyon sa lahat specially ngayong may Covid pandemic.
He talks about positivity. It can be difficult to remain positive, that's why we need coach like Gari to help us to be our best.
Anyway, ang pagiging singer ni Gari ay hindi naman nya kinalilimutan. In fact, dream nya na maging katulad ni Rico J. Puno na isang magaling na performer onstage.
"Pangarap ko maging total entertainer na tulad ni Rico J, the best po sya. Mahilig kasi ako mag entertain at sumayaw at gusto ko subukan ang iba't ibang genre ng music," Ani Gari. At dahil paborito niyang mangaawit si Rico J. lahat ng mga kanta nito ay alam niya.
"Saulado ko lahat ng songs nya pati yung "Together forever" at "Where did our Love Go. 'Yung song nya na "Kapalaran" ang pinakaunang kinanta ko sa singing contest, dun ako nag second place," pagalala pa ng mabait na public speaker during those times na isa pa siyang kontesero. "Para pa kasi akong estatwa kung kumanta noon. Heheha!" aniya pa kaya pumangalawa lamang siya.
Si Gari ay recording artist from Ivory Records at pinatunayan niya ang galing niya sa pagkanta nang manalo siya as New Male Recording Artist of 2019 sa PMPC Star Awards for Music.
Maging sa pagnenegosyo ay magaling din siya. Patunay ang mga awards na nakuha niya from 2012 Presidential Diamond at 4Life Research USA, 2013 International Diamond at 4Life Research USA, 2016 Sales Achiever Awardee at DSAP | Direct Selling Association of the Philippines, 2017 DSAP Hall of Fame Awardee at DSAP | Direct Selling Association of the Philippines and 2017 DSAP Entrepreneur if the Year at DSAP | Direct Selling Association of the Philippines.
What keeps him busy during this pandemic?
"What keeps me busy right now? Every morning po at 8:30am I do FB Lives (FB: Gari Escobar) talking about positivity, opportunities and inner strength para makatulong sa mga tao in shifting their worries and fears to positive thoughts na soon ay ipalalabas sa Channel 31. Every Sunday at 8PM naman po ay kumakanta ako ng Live sa aking FB page na Gari Escobar para aliwin ang aking fans."
Samantala, regular na mapakikinggan ang mga songs ni Gari on FM stations at ready na for release ang kanyang bagong komposisyon.
"Right now po ay two songs ko ang tinutugtog sa 102.7 Star FM, yung "Baguio" at "Tama na". By the second week of July ay irerelease na digitally ang aking 3rd single."
At siyempre hindi niya kinalilimutan ang kanyang mga fan na laging nandyan to support him.
"Nagpapasalamat po ako sa aking mga supporters na sinusuportahan po ako sa lahat ng ginagawa ko. Lagi po silang nandyan. Pati ang aking online business ay sinusuportahan nila kaya kahit nung may quarantine busy ako dahil malakas po ang aking online business promoting immune system supplements ng 4Life," ayon pa kay Gari.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento