Simula ngayong Lunes (July 20), mapapanuod na ang bagong mukha ng Serbisyong Totoo na handog ng GMA Public Affairs—ang “New Normal: The Survival Guide”— kung saan limang bagong programa ang mapapanuod gabi-gabi sa ganap na 8:30 pm sa GMA News TV.
Makakasama ng viewers mula Lunes hanggang Biyernes ang anim sa award-winning at veteran hosts ng GMA News TV: sina Winnie Monsod, Kara David, Susan Enriquez, Rovilson Fernandez, Tonipet Gaba, at Drew Arellano.
Tuwing Lunes, panuorin si Prof. Winnie Monsod sa “Newsmakers” kung saan hihimayin niya ang mga pinaka kontrobersyal na isyu kasama ang mga newsmakers na makakausap niya sa pamamagitan ng online video conference. Ipapakita rin ni Mareng Winnie kung paano siya gumagamit ng teknolohiya sa new normal—kasama ang pagkasa niya sa TikTok craze!
Good vibes naman ang dala ni Kara David tuwing Martes sa “Bright Side”. Itatampok niya ang mga kuwento ng bayanihan, mga taong nagbabahagi ng kanilang blessings, pati na mga frontliner na patuloy ang pag-alay ng kanilang oras para lang makapaglingkod—mga kuwentong nakakapagpataba ng puso sa gitna ng pandemya.
Tutulungan naman ni Susan Enriquez ang viewers kung paano makakapagtipid sa “Pera Paraan” tuwing Miyerkules. Ibabahagi ni Susan ang practical tips sa paghawak ng pera, pagkakaroon ng ekstrang pagkakakitaan, at kung paano magiging successful sa isang work-from-home environment. Itatampok rin sa “Pera Paraan” ang mga maliliit na negosyong naging patok pagkatapos ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ang tandem naman nina Tonipet Gaba at Rovilson Fernandez ang makakasama tuwing Huwebes sa "Home Work." Tiyak na makaka-relate ang mga viewer na for the first time ay nasa bahay 24/7. Bukod sa life hacks sa panahon ng ‘new normal,’ ie-explore rin nina Tonipet at Rovilson hindi lang ang quarantine life kundi pati na rin ang kani-kanilang bahay upang bigyan ng ideas ang viewers kung ano pa ang pwede nilang magamit sa kanilang sariling mga kabahayan.
Extra fun naman ang Biyernes para sa pamilya kasama si Drew Arellano sa “Family Time”. Ipapakita ni Drew ang kanyang pagiging isang dad at family man, at ibabahagi ang kanyang journey bilang isang magulang sa gitna ng new normal. Bibigyang-diin din ng programa ang kahalagahan ng pamilya at relationship lalo na sa ngayon.
Panuorin ang bagong mukha ng Serbisyong Totoo sa “New Normal: The Survival Guide”, Lunes hanggang Biyernes, 8:30 pm pagkatapos ng 24 Oras simulcast sa GMA News TV.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento