Martes, Hulyo 7, 2020

MGA TAO NI KON. JOMARI YLLANA, DINAMPOT SA T. SORA!




Mga trabahador na nagpakilalang mga tao ni Konsehal Jomari Yllana ng Paranaque, dinampot sa Barangay  Tandang Sora.
Hulyo 7, mga 9:15 ng gabi nang puntahan ng masisipag na roving team ng Barangay Tandang Sora, Quezon City sa pamumuno ng masipag na Kapitan Marilou Ulanday ang ilang kalalakihang maiingay na gumagawa ng barong-barong sa mismong harap ng bahay kung saan nakatira ang ina at dalawang maliliit na anak ng aktor na ngayon ay konsehal ng Paranaque na si Jomari.
Ayon sa mga nasabing kalalakihan, sila raw ay pinayagan umano ng aktor na mag set up ng kanilang tulugan sa loob ng nasabing pribadong compound na lubos na nakagambala sa mga residente nito.
Nang sila ay tanungin ng caretaker ng lugar, sinabi ng mga ito na mismong ang konsehal ang nag utos sa kanila na gawin yun dahil may ginawa silang repair sa bahay ng mga bata. Nang puntahan sila ng mga opisyal ng barangay, napag-alamang ang sinasabing repair sa bahay ng mga anak ng konsehal ay ginawa kahapon, hindi ngayon at ang talagang sadya nila sa lugar ay ang kapitbahay na kinontrata nila ng repair at doon sila gumawa buong maghapon hanggang gabi nang Hulyo 7.
Gayunman, hindi natapos ang kanilang ginagawa kaya minabuti na lang nilang gumawa ng tulungan sa mismong harap ng bahay ng mga anak ni Jomari gamit ang mga kasangkapan na hindi man lang ipinagpaalam sa may-ari ng bahay.
Ayon pa sa kanila, sila ay mga taga Las Pinas kung kaya't hinanapan sila ng mga opisyal ng barangay ng certification lalo na ngayong tumaas na naman ang kaso ng covid sa Metro Manila partikular sa Kyusi. Walang maipakitang mga papeles ang mga taong sinabing pinadala sila sa QC ni Jomari Yllana. Dahil dito, dinampot sila ng mga opisyal ng barangay at ikinulong.
Si Jomari at ang dating partner na si Joy Reyes na naninirahan sa naturang bahay kasama ang dalawang maliliit na anak nito sa aktor ay matagal nang naghiwalay at hindi maayos ang komunikasyon.
Ang bagong kinakasama ng actor/politician  ay ang dating sexy star na si Priscilla Almeda na iniwan naman ang live-in partner at dalawang anak sa Canada.
Kumusta na nga ba si Jomari at Priscilla?
"I'm living a blissful life with my two loving boys despite their intense efforts to make things difficult for me so God bless na lang  sa kanila. For every hardship they are throwing at me, God is doubling the blessings," ani Joy na ayaw ng makialam tungkol sa dating partner at sa kinakasama nito.
                           

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento