Lunes, Hulyo 6, 2020

KAMPO NI PIOLO TUMANGGING MAY KINALAMAN ANG AKTOR SA SONA NI PANGULONG DIGONG





Hindi pinaapak sina Piolo Pascual, direk Joyce Bernal, tatlong kasama at PNP personnel  sa Sagada, Mountain Province kahit may bitbit na sulat mula sa Malacanang.
Sina Piolo at Bb. Joyce ay bale advance party para sa isang malaking grupo na magsu-shoot roon para kunan ang mga bundok to incorporate sa mga video na ipalalabas sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na July 27. 
Napaka-strict ng Sagada council regarding the implementation of health protocol for Covid-19 pandemic. 
Idinahilan pa ng mga opisyal doon na ang Sagada ay isang 5th class municipality at hindi sila handa sa mga health facilities to accommodate the presence of a COVID-19 positive case in the municipality. Kaya kahit may authorization letter from Malacanang ang grupo ng aktor at direktor hindi pa rin ito umubra sa kanila.
Binash naman ng netizen si Piolo  sa pagtanggap ng proyekto mula kay Pangulong Digong dahil talent ito ng ABS CBN na kasalukuyang nakikipaglaban sa kanilang franchise. Dagdag pa ang pagkendeng-kendeng nito ng walang dalang anumang travel pass.
Sagot ng kampo ng morenong aktor, si Piolo ay pwedeng pumunta roon anytime dahil 'adopted son' siya ng Sagada at mayroon siyang malaking property doon. Wala raw itong kinalaman sa proyekto ni direk Bernal. 
Samantala, ang pag-stay ng grupo ng isang araw sa isang hotel  bago tumulak patungong Sagada kinabukasan ay isa na umanong paglabag dahil ayon sa local COVID-19 Task Force may Municipal Resolution 110 related to COVID-19 na nagsasabing lahat ng reservations sa mga hotel, inn at iba pang tourist institutions ay suspendido. Ang pagpasok ng mga guest sa tinatawag na red areas ay hindi rin pwede. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento