Miyerkules, Hulyo 15, 2020

AKTOR-POLITIKO, NASA ILALIM NG ITIM NA KAPANGYARIHAN NG SUGAR MOMMY




Parang gustong paniwalaan nitong maganda at seksing dating misis ng actor-politician na kaya nilayasan silang magi-ina ng huli ay dahil sa mensaheng natanggap niya mula sa isang netizen na diumano'y ginamitan ng itim na kapangyarihan ang kanyang ex-partner ng kulakudidang nitong sugar mommy. 
"May netizen kasi na nag-message sa akin recently telling me na he knows what has been done to_______(pangalan ng aktor ) kaya sya nagkaganyan," bungad ng kausap namin. Ito raw marahil ang dahilan nang biglang pagbabago ng mister niyang aktor-politiko na dati nama'y super bait at mahal na mahal sila.
"Apparently this person has a firsthand encounter with the most powerful cult here in the Philippines and according to him, the sugar mommy is a very active member of such cult and________ was put under an evil spell."
Ito rin ang dahilan kaya hindi na nakawala pa ang aktor sa kanyang sugar mommy na nagbibigay sa kanya ngayon ng kanyang mga pangangailangan.
"Totoong madaming biglang pagbabago si____________ na ayon sa mesteryosong netizen ay dahil nga sa spell. Napaka sweet ni __________sa akin at masyadong mapagpamper at spoil sa akin. Lahat ng naiisip nyang magugustuhan ko binibigay kahit hindi ko hinihingi," ayon pa sa mabait na misis.
Hindi raw natitiis ni aktor na mawala sila sa kanyang tabi. Kaya kahit saan ito magpunta ay laging tumatawag o umuuwi agad sa kanila kahit pa taga-Quezon city sila at ang aktor naman ay nakatira at nagseserbisyo bilang politiko sa bandang south ng Metro Manila.
"Malambing at hindi nya noon matiis na malayo sa aming mag-ina. Never sya naging madamot pagdating sa pera na lubos na nakagugulat dahil lahat naging kabaliktaran nga ngayon na tumatama sa mga sinabi ng netizen.
"Sabi ko, nakakaawa naman ang asawa ko kung totoo na ganyan nga ang ginawa sa kanya. Pero ang logical explanation ko lang sa lahat ng nangyari, nabibigay lahat ng sugar mommy nya ang luho nya na hindi namin mauna noon dahil inuuna namin ang anak namin. At ngayon Mas pinili na lang nyang unahin ang pansariling comfort at enjoyment kesa makasama kaming pamilya nya na sinabi nya noon na mahal na mahal nya hindi nya iiwan. Ipagdadasal ko na lang sya dahil alam ko na kahit ano pa mangyari, Si God pa rin ang pinakamakapangyarihan sa lahat," pagtatapos ng katsikahan naming misis.
Pero teka, medyo maluwag yata ang sugar mommy dahil nagawa pa ng aktor na balikan ang dating girlfriend na seksing aktres at kumuha pa sila ng sariling lovenest na magiging tagpuan nila.
So, hindi totoo ang tsismis na nagli-live in silang dalawa dahil hindi papayag si 'mommy'. Susme!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento