Linggo, Hulyo 26, 2020
BEAUTY TIPS YT CHANNEL NI ALICE DIXSON, NAGING HORROR CHANNEL
Ang Youtube channel ni Alice Dixson na supposed to be ay about beauty tips ay naging horror channel nang biglang maglabas siya ng video about urban legend tungkol sa taong-ahas na kamuntik na umano siyang lamunin ng buhay.
Umaabot na sa 343k ang episode na 'to na pinamagatang "Robinsons Galleria, Taong Ahas | Finally... the TRUTH told // Alice Dixson" and still counting at mayroon ding 1,269k comments.
Sa mahigit 100 videos na in-upload ni Alice sa kanyang channel, hindi pa umabot ng 150k views ang isang episode niya sa isang buwan, pero itong palabas niya tungkol sa urban legend ay nakahamig na agad ng 343k sa loob lamang ng isang araw. Tagumpay ang kanyang gimik!
May mensahe pa siya sa lahat ng mga Pilipino tungkol sa kanyang pagbuhay sa isyung ito na tatlong dekada nang nanahimik sa lumang baul.
Mahal kong kababayan...hindi ko gustong buhayin ang chismis; that is the farthest from my intention. Nais ko lang linawin ang mga naganap sa Robinson’s Galleria nun dalaga pa ako.
"I made promise to a dear friend - I said I would tell my side of the story this year at dahil 30 year anniversary na this month, it is NOW time.
Yes, 3 decades na! And I’ve never said a word or explained my side. Kaya if you are one of the many na gusto nyo malaman ang totoo, panoorin nyo itong kwento ko."
Eniwey, nagsimula ang kwentong ito noong dekada 80 sa Robinson's Galleria Department Store. Magso-shoot noon si Alice for the movie at night effect iyon. Nung kailangan niyang mag-change outfit, itinuro raw siya ng production na sa bathroom sa labas ng department store sa 4th floor para doon magbihis.
"Natatandaan ko nga may nag-uusyoso sa labas and for some reason, while I was inside the bathroom, I said, 'Tuklaw! Tuklaw!'
"Now, I don't really know kung bakit ko iyon ginawa. Siguro kasi, I was just being funny? I was trying to get a laugh sa mga kasamahan ko? I was being young and silly.
"And also because iyong time na iyon, iyong kasamahan ko sa pelikulang Dyesebel [1990] na si Richard Gomez, he had a movie that came out called Tuklaw, at uso iyon noon," pagbabalik tanaw ni Alice.
"A few days later, lumabas iyong balita or gossip na kinakagat ako o kinain ako ng malaking sawa sa loob ng mall.
"Lumabas pa ito sa headline ng tabloids and news," sabi pa niya.
May representative raw from Robinson's na gusto siyang kausapin nang lumabas ang mga tsismis pero deadma niya.
"Siguro they wanted to ask me if I made these comments and these accusations, but I dismissed it. I dismissed it and went on with my business.
"However, the news didn't die down."
Ang daming nagtatanong sa kanya, wala raw siyang sinasagot. Nanatili siyang tahimik.
Ang paniwala ng beteranang aktres, nagsimula ang kwento sa mga estudyante.
"Meron kasing Mass Communication curriculum ang isang school, that it had a particular project to disseminate information, to see how far, how convoluted, and how long information could spread.
"And I believe they used this story.
"I know because Mass Communication graduate din ako, and we studied these kinds of case studies."
Marahil ang pananahimik na rin ng aktres sa isyu ang nagpalala lalo ng tsismis at aminado rin siya rito.
Hindi niya sinagot yong tungkol sa trap door, tumakbo siya sa corridor palabas papunta sa hotel, at kesyo binayaran siya ng
850 million para lamang tumahimik at na-cut pa raw iyong pagsasalita niya sa isang TV show when she was trying to explain herself.
Sino ba yung snake-man na sinasabi sa kwento?
Ang tsika, ito raw ay anak ng may-ari ng Robinson's malls na sina John Gokongwei Jr. at Elizabeth Yu-Gokongwei at twin brother umano ni Robina Gokongwei-Pe. Susme!
Natatawa na lang daw si Robina sa kwentong ito. Aniya, ang sinasabing snake-man na kambal nya ay ginawa na nilang handbags at nabenta na 30 years ago pa. Hahaha!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento