Kapansin-pansing laman ngayon ng social media ang very humble singer, Ivory recording artist, PMPC Star Awards for Music: New Male Recording Artist of 2019 and most awarded DSAP-Direct Selling Association of the Philippines and 4Life Research USA entrepreneur Gari Escobar Gabrinao. Bakit kaya?
Sa kabila ng napaka-limited ng galawan natin ngayon because of Covid-19 pandemic, talagang super busy pa rin siya.
Well, successful entrepreneurs maximize their time to make each day as productive as possible. But as a singer, paano niya mina-manage ang lahat ng ito dahil sa lahat ng social media flatforms (from Facebook, Instagram, Youtube to Twitter) ay visible siya. Lahat ba ito ay para sa singing career mo Gari?
"May assistant po ako na naghahandle ng Social media accounts ko, pero merong dalawa na ako mismo. Halos lahat ay para sa advocacies ko at kasama na po rito ang aking singing career," bungad na sagot ng magaling na singer.
Sa Fb ay araw-araw kang nakikita ng mga fans mo. Ano ang purpose ng FB Lives mo?
Sinimulan ko ito nung kalagitnaan ng ECQ nang nabalitaan ko na tumaas ang suicide rate sa US due to the pandemic, at ayokong mangyari yun sa Pilipinas, kaya para makatulong sa mga kababayan natin as many people as I can reach, I share positivity and values sa lives ko para malagay sa tamang disposisyon ang mga tao," esplika ni Gari.
Is this your preparation for a TV Show in the future?
"As of now po ay wala pang ganung plano."
Anway, maiba ako. Sa FB lives mo ay kapansin pansing isa kang maprinsipyong tao. Ano ang stand mo sa pagpapasara ng Kongreso sa ABS CBN?
"Malungkot din ako para sa mga nawalan ng trabaho, at may mga program sila na gusto ko tulad ng the Voice at Banana Sundae. Yung dalawa lang na yun, pero sa YouTube lang ako nanonood.
"This is a compliance case so sa tingin ko pag nag-comply na ang ABS CBN ay maaayos din ito. Dapat sumusunod tayo sa batas, maliit man o malaking negosyo and I would like to believe na susunod naman sa batas ang ABS CBN," sagot pa rin ng singer na nagpasikat ng awiting "Baguio". Sobrang nalulugkot siya sa pagkakasara ng Kapamilya network. Pero positibo si Gari na magbubukas din ito in due time.
Ano ang masasabi mo sa mga artista na nagrarally para sa ABS CBN?
"Kung wala pong pandemya ok lang po, that's their freedom, pero sa panahon ngayon ay napakadelikado ang lumabas ng bahay kaya wag sana sila manghimok ng mga tao para samahan sila unless na willing sila na sagutin ang hospital expenses ng mga mahahawa sa CoVid dahil sa naging exposure sa maraming dikit-dikit na mga tao."
Pa'no ka magre-react kapag nagkaroon ka na ng bashers?
"Maybe I'll explain my side to straighten things out para hindi na lumaki kung sa tingin ko ay may kailangang ituwid. Kung wala naman, i'll Just keep quiet."
Pano mo hinaharap ang pandemya at ano ang maipapayo mo sa mga nadedepress sa sitwasyon ng mundo ngayon?
"Laging manalangin dahil sa Diyos ay walang imposible. Maging mapagpasalamat sa Diyos para lapitan ng swerte."
Very well said Mr. Gari Escobar Gabrinao!
Gari would like also to thank his supreme partners, family, friends, supporters, 102.7 Star FM Bombo Radyo and to Channel 31! Please like and subscribe his social media accounts:
FB Page: Gari Escobar
YouTube: Gari Escobar
Instagram: @gari.escobar
Twitter: @gariescobar
Listen Gari's singles "Baguio", Tama na" and "Masisisi mo ba?" at 102.7 Star FM Manila from Mondays to Saturdays.
These songs are also available at Spotify, iTunes, Amazon Music, Deezer, and all digital platforms worldwide.