Matapos pusuan ng viewers at netizens nitong Linggo, muling mapapanuod ang The Atom Araullo Specials’ “COVID-19: Nang Tumigil ang Mundo” ngayong Biyernes (June 5) sa GMA News TV, sa ganap na 8:30 pm.
Pinag-usapan ang nasabing episode ng The Atom Araullo Specials kung saan pinuri ng publiko ang komprehensibong paglalahad ng programa sa iba’t ibang mukha ng COVID-19. Naging top trending topic pa sa Philippine Twitter ang #NangTumigilAngMundo".
Sabi ng isang netizen na si @maarinelnlee: “Masakit sa puso Makita ang mga kalbaryong kinakaharap ng frontliners. Salamat sa pagpapakita ng kwento nila, @atomaraullo. Sana mas maraming Pilipino pa ang mamulat nito, pati na rin ang gobyerno. Pinakamataas na pagpupugay sa ating mga frontliners! #NangTumigilAngMundo.”
Samantala, nag-tweet din si @imeeortilano: “I can’t stop watching @atomaraullo’s #NangTumigilAngMundo. Ang sakit ng puso ko. Mayaman man o mahirap, bata man o matanda—lahat apektado. Documentaries like these reminds us to be more compassionate and kind to one another.”
Napapanahon daw ang COVID-19 special sabi ni @sheenita: “@atomaraullo documentary is so relevant today. It makes us realize na ang buhay, hindi natin hawak. This pandemic change[d] our daily lives a lot. Sa isang iglap, pwedeng mawala ang lahat. Keep watching documentaries like this guys! This is an eye-opener.”
Binigyang-puri rin ng mga netizen ang team ng The Atom Araullo Specials. Sabi ni @jdqrbn: “#NangTumigilAngMundo emphasized different perspectives of sectors dealing with this pandemic; stories of frontliners, patients and their relatives, and the marginalized. Goosebumps. Definitely an eye and heart opener! Kudos @atomaraullo and the team.”
Ilang buwan ring binuo ng programa ang dokyu mula nang ipinatupad ang community quarantine. Ipinakita ni Atom dito kung papaano naaapektuhan nang husto ng COVID-19 ang buhay ng mga Pinoy lalo na ang mga mahihirap at frontliners.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento