Biyernes, Hunyo 19, 2020

FANS NAALARMA SA PAGLOBO NI ANGEL LOCSIN



Si Angel Locsin ay isa sa most popular and successful actresses in local showbiz industry.  She is beautiful inside-out. At habang nagtatagal ay parami nang parami ang mga humahanga sa kanya dahil sa kanyang generosity. Kapag may mga kalamidad sa bansa, ginagawa niya ang lahat para makatulong sa mga biktima, sa mga nangangailagan.
Ngunit maliban sa kabutihan ng kanyang puso na nakikita sa kanya ng marami, pansin din nila ang unti-unting paglobo ng katawan ng aktres simula nang magkaroon ng pandemic na Covid-19 at magsara ang ABS CBN.
Aminado naman si Angel that she has put on some weight because of quarantine at hindi na siya nakikipag-argue sa mga bashers. Aniya, she values health more than being skinny.
Gayunman, ginagawa naman daw ni Angel ang lahat para mabawasan ang taba ngayong may bago siyang show sa Kapamilya Channel. She's now doing more physical activities. Sinubukan nga niya noon ang magpole dancing, ewan natin kung ginagawa pa niya ngayon. Iyon nga lamang, may limitasyon pa rin dahil sa kanyang back injury.
Teka lang, pati  yata ang kanyang papa Neil Arce ay bumibilog na rin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento