Miyerkules, Hunyo 17, 2020

PACMAN AT TETAY MAGTATAMBAL SA PULITIKA




May 2022 National Election is fast approching kaya para nang sinisilihan ang pwet ng mga politiko at kanya-kanya na sila ng pormahan. In fact, itong nangyayaring hearing sa Kongreso about ABS CBN renewal of franchise ay ginagawang venue ng mga politiko para makapag-grandstanding. Akala ng mga komokontra pumapabor sa kanilang political career ang kanilang ginagawa dahil against nga sila sa pagbubukas ng Kapamilya network, ang hindi nila alam, unti-unti na nilang hinuhukay ang libingan ng kanilang mga pangarap dahil mas marami ang pabor na magbukas na ang kanilang paboritong channel.
Speaking of politics, may namumuo namang tambalan na kasalukuyang bulung-bulungan ngayon at ito ay bubuuhin daw ng magkalabang personalidad sa pulitika-from President Duterte's supporter Sen. Manny Pacquiao and full blooded yellowtard Kris Aquino. Coming from the grapevine, itong sina Pacman at Tetay ay  magsasama raw sa isang talk show na ipoproduce nila pero hindi pa nababanggit kung saang channel ito. Ito raw ang brinodkas ni Kris kamakailan sa kanyang social media account na next chapter ng kanyang buhay na matagal nang pinagdadasal ng kanilang pamilya specially ng kanyang mga sister.
Take note, si Manny ay matagal nang may ambisyon na tumakbong presidente ng bansa. At kamakailan lang ay ibinando na ito ni Bob Arum. Samantalang si Kris naman ay matagal na ring kinukumbinsi ng mga dilawan na tumakbong bise presidente o senador.  So, either-or gagamitin nila ang programa para sa darating na eleksyon at magsama sa isang ticket o magtayo ng sariling independent party because they cannot use their own indibidual political affiliation. 'Yun na!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento