Huwebes, Hunyo 18, 2020

JET LEE, NAGSALITA NA SA TOTOONG RELASYON NILA NI JOHN LLOYD


Dismayado ang motorcycle rider and vlogger na si Maria Rica Cobarrubias, na mas kilala sa tawag na Jet Lee dahil sa kumakalat na tsismis tungkol sa kanila ni John Lloyd Cruz.
Sinasabing si Jet raw ang bagong girlfriend ng Kapamilya actor pagkatapos na makipaghiwalay ito sa dating live-in partner na si Ellen Adarna. Ito ay matapos mag-circulate sa social media ang kanilang mga larawan. Base sa mga kuhang larawan sa iba't ibang pagkakataon ay makikitang masaya sila pareho. Ngunit agad itong klinaro ng Motology and OZRacing Ambassadress sa pamamagitan ng kanyang Facebook page na  photo op lang iyon. “Nag papapicture lang, jowa agad?” sabi nito. “Uhaw na uhaw cguro sila ng followers para ma boost din page nila,” sundot pa nito.
Ang isang larawan ay sinabi niyang photoshoot yon with the ABS-CBN star for motorcycle rider jersey, Moto Vanity. Ang post ay may caption na, “JL meets JL (Jet Lee meets John Lloyd)”.
Si Lee ay nakilala sa Moto industry at naging social media favorite dahil sa kanyang mga fearless motorcycle stunts, and extraordinary fast driving ng malalaking bicycles na isang rare combination of skill and talent na matatagpuan lamang sa mga kalalakihan. 
Sabagay, hindi malayong magkagusto sa kanya si John Lloyd dahil she is charming, sexy and beautiful.
Si JLC ay nahiwalay kay Adarna, noong 2018, at meron silang court agreement para sa pagaalaga kay Elias Modesto.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento