Sabado, Hunyo 27, 2020

DATING SENADOR RAMON REVILLA SR. PUMANAW NA SA EDAD 93



Buwan ng Mayo nang isugod sa hospital si former Senator Ramon Revilla Sr. dahil nahirapang huminga na agad namang umayos ang pakiramdam makalipas ang ilang araw. 
Kung susundan ang mga post ni Sen. Bong Revilla Jr. ay mapapansing maayos na ang kalagayan ng ama. Nakakausap na ito at nakikipagtawanan na.
Ngnit nitong June 26, nagulat ang lahat nang sa isang live video ni Bong sa kanyang Facebook page ay ipinahayag nitong sumakabilang-buhay na ang "Hari ng Agimat sa edad na 93 years old.  

Ipinanganak si Jose Acuna Bautista Sr. o mas kilala sa pangalang Ramon Revilla Sr. noong 1927.

Nagsimula siya sa kanyang career bilang aktor sa bit roles na agad namang naudlot nang magtrabaho siya sa Bureau of Customs noong 1965 bilang isang senior intelligence officer. 

Ngunit kalaunan ay muli siyang bumalik sa katsang telon bilang isa ng bida sa pelikulang Nardong Putik:Kilabot ng Cavite.

Kabilang sa kanyang career highlights ang "Hulihin si Tiyagong Akyat-Best Actor (1973), Box Office King (1979), Most Outstanding Actor of the Year (1979).

At dahil sa matagumpay ng pagpo-produce niya ng mga blockbuster movies, kinilala rin siya bilang Producer of the Year (1976), at Outstanding Film Production and Socio-civic Leader (1975).  

Pumasok siya sa politika at naging senador simula 1992 hanggang 2004 at nakapagpasa ng mga panukalang batas na umabot sa 107 kung saan naging author siya o co-sponsor. 

Ang Mandatory Helmet Act ang isa sa kanyang pet bill na naisabatas. Isa rin siya sa nagsulong at naging batas na Expanded Senior Citizens Act of 2010


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento