Marso 16, 2020 nang ideklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Enhance Community Quarantine sa buong Luzon. Shocked ang lahat. Natakot. Natulaley. Paano na raw ang kanilang lafang. Ang kabuhayan. Ang negosyo. Hindi raw sila handa. Eh, lahat naman hindi handa, noh! Dahil first time nating magkaroon ng ganitong pandemya, at biglaan tayong na-house arrest. Susme!
Pero may isang taong sumulpot sa gitna ng quarantine na kalmado at diretsong mag-isip, isang matagumpay na entrepreneur, leading LBTQia personality, at kilalang matulungin at malikhaing si Wilbert Tolentino.
Kung ang iba'y naniguro na para sa kanilang sariling kabuhayan sa panahon ng krisis na ito, si Sir Wil ay nag-isip kung ano ang maaari niyang maibahagi sa lahat para maibsan ang nararamdamang stress, anxiety, boredom, depression, confusion, fear at kung anu-ano pa kasama na ang pinakamatindi sa lahat--gutom.
Dahil dito, nagkaroon siya ng adbokasiya "Stay Home. Save Lives. We Will Beat COVID 19!" at nabuo ang konseptong The Sir Wil Online Challenge. Isang kaganapang napaka-importante sa panahong ito lalo't hindi tayo nawawalan ng quarantine, mula sa ECQ, MECQ, GCQ, MGCQ at sa kasalukuyan ay bumalik sa GCQ ang Metro Manila kasama ang mga lugar ng Isabela, Nueva Vizcaya Quirino, Santiago City, Aurora, Bataan, Bulacan, Tarlac, Olongapo, Calabarzon, Occidental Mindoro, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Siquijor, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Davao City, Zamboanga City at Cebu City ay ibinalik sa ECQ hanggang June 30 base sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution No. 46-A na inaprubahan ni Pangulong Digong. Kaya kung wala itong pakontes ng Social Media Influencer na si Sir Wil ay baka may mga kafatid tayo na tumatawa at nagsasalita ng mag-isa. May gad!
Biglang nabuhay ang dugo ng mga kafatiran kasama ang iba't ibang sektor ng lipunan nang maorganisa ang virtual competitions na may malalaking papremyong inilaan! Isa na dyan ang The Queen of Lockdown Transformation 2020- Pagirl / Pahard Challenge (for gay community), na pinagwagian ng mga nagtranspormang sina:
1. Hiro Makinano-4th Runner- Up (P500 plus 1 sack of rice)
2. Karl Gonzales- Runner- Up (P1,000 plus 1 sack of rice)
3. AK Castro Jose -2nd Runner- Up (P2,000 plus 1 sack of rice)
4. Giovanni Lazaro Flores- 1st Runner-Up (P3,000 plus 1 sack of rice)
5. Popoy Son Roxas - Grand Winner (P10,000 plus 1 sack of rice)
Ang Sir Wil Extreme Cutie Quest Challenge (for families) na pinalanunan ng mga cute na sina:
1. Lanny A. Canillo-4th Runner-Up (P3,000)
2. Rosemarie Valencia Caalim-3RD Runner-Up (P5,000)
3. Kristine Caballero Aplal-2nd Runner-Up (P8,000)
4. Red Redvingrey-1st Runner-Up (P10,000)
5. Mary Letim Ponce-Grand Winner (P20,000)
Habang ang mga nagwagi sa Online Star Influencer Season 1 (for Social Media Influencer) ay ang mga sumusunod:
1. JS Asuncion-4th Runner-Up (P5,000)
2. Justine Rhay Simbulan-3RD Runner-Up (P5,000)
3. Princess Khim Santillan-2nd Runner-Up (P10,000)
4. Jay Costura Dreams-1st Runner-Up (P20,000)
5. Sachzna Laparan-Grand Winner (P50,000)
Gayundin ang magagaling manggaya ng facelak ng iba sa Sir Wil Drag Queen Challenge- The Ultimate Impersonation Contest (for impersonators and entertainers) ay sina:
1. DBlackbutterfly Aikee-4th Runner-Up (P3,000)
2. Tiffany-3RD Runner-Up (P5,000)
3. Vinas Deluxe-2nd Runner-Up (P10,000)
4. Khandie Segovia-1st Runner-Up (P20,000)
5. Lady Ivana-Grand Winner (P50,000)
At siyempre pa, ang winner namang mga Beks sa The Philippines’ Most Beautiful Beki Online Pageant – QUEEN OF bECQi 2020 (for gays and transgender women) with special guest judge: the Philippines’ foremost pageant blogger Norman Tinio ay ang mga sumusunod:
1. Britney Madali-4th Runner-Up (P5,000)
2. Patrick Isorena-3RD Runner-Up (P10,000)
3. Lars Pacheco-2nd Runner-Up (P20,000)
4. Matmat Centino-1st Runner-Up (P50,000)
5. Marianne Crisologo-Grand Winner (P100,000)
Samantalang ang WiL or No WiL Online Game Show (open to all) na may kabuuang P234,900 na ipinamigay plus 45 relief packs sa The King of ECQ Online Search – GINOONG QUARANTINO 2020 ( for entertainment, ramp, TVC male models/ male pageant aspirants) with special guest judge and commentator: Miss Earth 2008 Karla Henry Ammann ay nasungkit ng mga papable na sina:
1. Jiro Garcia-4th Runner-Up (P5,000)
2. Czack Buenafe-3RD Runner-Up (P10,000)
3. Robby Cubacuc-2nd Runner-Up (P20,000)
4. Wize Estabillo-1st Runner-Up (P50,000)
5. Allen Ong Molina-Grand Winner (P200,000)
Sa pagbabalik ng Online Star Influencer Season 2 (for social media influencer) ay pinagwagian ito nina
1. Kurt Lawrence Bautista-4th Runner-Up (P10,000)
2. Dwine Enriquez-3RD Runner-Up (P20,000)
3. Chezter Lapaz-2nd Runner-Up (P30,000)
4. Buknoy Glamur-1st Runner-Up (P50,000)
5. Shaina Denniz-Grand Winner (P200,000)
Saan ka pa? Nakapaglibang ka na, nagkapera ka pa!
Sa kasalukuyan ay pinaglalabanan ang Sir Wil Media Challenge (for entertainment, lifestyle and pageant media). Ang mga nakalaang mga papremyo:
4th Runner-up – Php 10,000,
3rd Runner-up –Php 20,000
2nd Runner-up – Php 30,000
1st Runner-up – Php 50,000
Grand Winner will receive Php 100,000.00
Tulong-tuloy ang competitions sa Sir Wil Online Challenge habang nasa community quarantine pa ang ibang lugar sa bansa. At abangan ang Star Influencer 3 para sa paparating na New Normal.
Sir Wil Online Challenge, ang kompetisyon na walang hokus pokus. Totoong namimigay ng salapi. Hindi rin ito katulad ng ibang paligsahan na kinakailangan pang maglike, magshare o mag-subscribe.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento