Linggo, Hunyo 28, 2020

KC MONTERO, DINAKMA NG MGA PULIS!




Sandamakmak na mga Pinoy at dayuhan ang naaresto dahil sa pag-violate sa IATF Protocols specially sa quarantine health restrictions. Kabilang ang radio disc jockey na si KC Montero at ang kanyang misis sa mga dinampot ng mga pulis.
Nangyari ang mass arrest sa isang resto-bar na matatagpuan sa 18th floor ng condominium sa Salcedo Village, Barangay Bel-Air sa Makati Linggo ng gabi, June 28, 2020.
Ayon kay Makati police chief Col. Oscar Jacildo, nakatanggap sila ng reports tungkol sa hindi umano pagsunod sa social distancing sa nasabing istablisimyento kaya agad itong pinuntahan ng mga pulis at naabutan doon ang mahigit 100 mga Pinoy at dayuhan na kumakain at umiinom.
Sa ilalim ng general community quarantine, bawal pang magbukas ang mga bar. Ngunit ayon kay KC, lumabas lamang silang mag-asawa para kumain sa nasabing resto-bar.
"That place was open before so parang feeling ko, okay. Why were they open if they're not allowed to open? Maybe that's my fault, I didn't do my research. So feeling ko, they're allowed to be open. So I went," paliwanag ni KC sa mga mamamahayag.
Pinuna rin ng radio host ang klase nang paghuli sa kanila dahil pinagsama-sama sila sa isang sasakyan. Hinuli sila dahil sa social distancing gayong pagdating sa sasakyan ay para silang mga isdang isiniksik sa isang lata ng sardinas.
"I was hungry, I went to eat a place that seemed open. Now I'm arrested. I really should've stayed home and watched Gimore Girls.
"So take all of us from a wide open area, cram us into a tiny police station, hot no AC, then cram us on to truck shoulder to shoulder , how is that responsible? The exact opposite of social distancing.
"Arrest us for not social distancing (we were actually practicing it) we were there for 5 minutes for dinner.
"This is absolutely ridiculous!" ayon pa rin kay KC sa kanyang Twitter post.
Sina KC at mga kasama ay magdamag na hinold sa isang auditorium.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento