TULOY na ang pelikulang “Escape from Mamasapano”, initial project ng Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio. Ayon sa magaling na abogado, naantala lamang sila dahil sa lockdown na nag-umpisa noong Mach 16 ngunit tuloy naman ang pre-production sa pamamagitan ng video conferencing at emails.
Katunayan, nasa third revision na ang script ng premyadong manunulat na si Eric Ramos, na palagi namang nakikipag-ugnayan kay direk Lawrence Fajardo.
Dagdag pa ni Atty. Topacio, panay din ang pakikipag-usap niya by telephone sa mga gaganap sa pelikula tulad nina Edu Manzano at Ritz Azul.
Pinadadalhan nya rin ng pagkain sa bahay si Myrtle Sarrosa upang manatili itong malusog para sa principal photography na magkakaroon na ng schedule dahil sa June 1, under GCQ na lang ang Metro Manila.
“Nakuha na namin ang guidelines ng FDCP para sa mga physical distancing and other requirements ng movie production at we will strictly adhere to them to ensure na walang talent o crew na magkakasakit. Magkakaroon din tayo ng doctor na consultant to undertake health and safety measures during the shooting”, esplika pa ni Atty. Topacio.
Ang isang bagong development sa Mamasapano movie ay ang special participation ng nagbabalik-pelikulang Optimum Star na si Claudine Barretto na gaganap sa isang maikli ngunit makahulugang role bilang si Erica Pabalinas, ang biyuda ng napaslang na si Sr. Insp. Ryan Pabalinas, and pinuno ng grupong SAF na nasawi sa Mamasapano.
Bukod pa ito sa cameo ng former sexy star at ngayon ay politician na si Barbara Milano na malapit din sa celebrity lawyer.
Nais din daw sanang makausap ni Atty. Topacio sina Bea Binene at kontrobersyal na modelong si Deniece Cornejo para sa posibleng mga supporting roles.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento