Martes, Mayo 19, 2020

HULING MISA SA PALUBOG NG LUGAR

Ang dating lugar na natatakbuhan ng mga bata kapag sila'y naglalaro ng Beinte-Uno, Tumbang-Preso, Patintero, Doktor-Kwak-Kwak, Chinese Garter at iba pa, ngayon hindi na nila magawa. At karamihan sa kanila ay nagsi-alisan na sa nasabing komunidad. Ito ay dahil ang kanilang mga bakuran, kalye, ekwelahan at simbahan ay lubog na sa tubig.
Ang tinutukoy namin ay ang  Sitio Pariahan, Taliptip, Bulakan, Bulacan na unti-unti nang lumulubog sa tubig makaraan ang  dalawangpung taon.
Ang tanging paraan para sila makalabas ng bahay, makabili ng mga pangangailangan ay sumakay ng bangka.
Noong araw kapag dumarating na ang kapistahan, may musiko pa sila habang nilalakad ang mga poon. Maraming aktibidades silang nagagawa. Maraming palaro. At ang pinaka-highlight ay ang sayawan sa gabi ng kapyestahan.
Nitong nakaraang Mayo 9, 2020, sa kanilang kapyestahan, nagulat ang ilang natitirang residente sa Sitio Pariahan nang ihayag ni Father Mon Garcia lll na huling misa na itong kanyang gagawin dahil ilang dipa na lamang ay matatabunan na ng tubig ang simbahan.
Ang nagaganap sa nasabing sitio ay tinatawag na land subsidence, at ang phenomena na 'to ay nakaaapekto sa ilang bahagi ng  Metro Manila at Southern Luzon, lalo na sa coastal areas.
Ang groundwater extraction, rapid urbanization at growing population ang ilan sa nagiging sanhi ng Pariahan's descent.
Nangyayari umano ito kapag ang isang makahoy o palayan na lugar ay nagiging urbanized. Pagka-urbanized ang area, hindi pumapasok ang tubig sa semento. Dagdag pa rito ang global warming at pagtaas ng level ng tubig. 
Nagkaroon na ng relokasyon mula Sitio Pariahan papunta sa Bario pero bumabalik pa rin ang ilan sa kanila dahil nandoon daw ang kanilang pinagkakakitaan-ang pangingisda.

















1 komento: