Sabado, Hulyo 4, 2020

TWILIGHT AT ABOVE THE CLOUDS, MAPAPANOOD NGAYONG LINGGO SA GMA-7




Handog ng GMA Network ang dalawa sa all-time movie favorites ngayong Linggo (Hulyo 5).
Mapapanood sa Kapuso Movie Festival ang isa sa pinakasikat na young adult fantasy films, ang Twilight. Napilitan ang dalagang si Bella Swan na mamuhay kasama ang kanyang ama sa Washington state pagkatapos na mag-asawang muli ang kanyang ina. Dito ay magbabago ang kanyang buhay dahil sa misteryosong lalaking si Edward Cullen na isa palang bampira.
Samantala, kaabang-abang naman sa GMA Blockbusters ang Above The Clouds na tampok ang Kapuso actor na si Ruru Madrid. Kuwento ito ng isang lalaking umakyat sa bundok kasama ang kanyang lolo. Dito ay sinubukan niyang hilumin ang kanyang mga sugat mula sa pagkamatay ng kanyang mga magulang.
Huwag palalampasin ang movie treats na ito ngayong Linggo sa Kapuso Movie Festival pagkatapos ng Miss Philippines Earth 2020 telecast at GMA Blockbusters pagkatapos ng Dear Uge sa GMA. 

EXCITING STORIES SA KMJS NGAYONG LINGGO



Tiyak na aabangan ng viewers ang exciting stories ngayong Linggo ng gabi (July 5) sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).
Sa Cebu, isang bata ang natuhog ng bakal na tumagos sa kanyang likod at leeg. May tumulak ba talaga sa kanya kaya nangyari ang aksidente? Iimbestigahan ito ng KMJS.
Kilalanin ang mga tunay na “legend” sa Mobile Legends. Nariyan ang nanay na dumo-double kill sa Mobile Legends at ang live streamer na si ChooxTV na nakapagpatayo ng dream house nang dahil sa paglalaro ng nasabing mobile game.
Binabalatan pa lang, nakakapangasim na! Lalo itong nakatatakam kung bubudburan na ng asin.  Ang next stop ng food trip ng KMJS? Santol Station!
Samantala sa Maguindanao, dalawang teenagers ang ikinasal alinsunod sa kanilang kultura. Paano kaya ang magiging buhay ng batang mag-asawa?
Gaano naman katotoo na ang isang elemento sa Minalungao River sa Nueva Ecija, nangunguha raw ng mga pogi?!
Ang isang ina naman mula sa Pila, Laguna, para lang guminhawa ang pakiramdam, itinatali sa kisame. Ano ba ang nagpapahirap sa kanya?
Mahigit 20 taon na ang nakakaraan nang pinaghiwalay ang kambal na si Rudy at Christian. Ang sanggol pa lang noon na si Rudy, dinala sa Japan nang umampon sa kanyang Pilipina at Hapones. Makalipas ang dalawang dekada hinahanap na ni Rudy ang kakambal niyang Pilipino. Nakatadhana na nga ba ang muli nilang pagkikita?
Tutok lang sa Kapuso Mo, Jessica Soho, Linggo, 8:25 pm sa GMA 7. 

CREW NA NAGBITBIT NG MISIS SA SET PARA MAGPA-PICTURE KAY COCO, PINALAYAS




May bagong tsismis ngayon kay Coco Martin. Ito ay mula sa source ng friend at katoto namin sa panulat. Hindi ko na sya papangalanan dahil sinulat niya ito ng blind item. Pero very obvious na si Coco ang tinutumbok ng kanyang source.  Ang nasabing insidente ay involved raw ang isang male crew sa action series na Ang Probinsyano. Dahil birthday daw ng wife nito at number 1 fan ni Cardo Dalisay, dinala niya ito sa set para lamang makapagpa-picture sa kaniyang idolo. Magiliw naman daw na nagpakuha ng picture ang aktor na ikinalugod ng said tv crew. The next day ay nagpatawag daw ng meeting si Coco at nagtanong, "Sino yung dinala ang asawa niya rito para magpa-picture sa akin kahapon?" kaya bigla namang sumagot ang tuwang-tuwang crew at sinabing "Ako po sir". Binulyawan daw agad ito ni Coco at sinabing "Alam mo bang sa oras ng trabaho natin ay di ka dapat nagdadala ng kung sinumang magpapa-picture lang sa akin?"
Ang pobreng crew, hindi lang daw basta pinagalitan ni Dalisay, tinanggal din siya agad sa said TV show. Kung totoo ito, aba'y malala na nga ang hangin sa ulo ni Mr. Martin. Sobrang angas na rin. Susme!
Parang nai-imagine ko kung paanong binulyawan ni Coco ang tauhan nya, kagaya rin ng ginagawa nya sa palabas nya kung saan pati bibig niya ay umaakting na animo'y kakagatin ang kausap sa sobrang galit.

KAHANGA-HANGA SI NICK VERA PEREZ




Ibang klase ang kabaitan ni Nick Vera Perez. Totoong may malasakit siya sa intertainment press. Malayong-malayo sa karamihang artista sa showbiz na walang pakialam sa mga manunulat na hirap na hirap na dahil sa Covid-19 pandemic na nararanasan.
Kahit noong panahong wala pang pandemya na feel na namin ang importansyang ibinibigay ng tinaguriang Total International Entertainer dahil sa bawat media presentation niya ay mistulang VIP ang press people. Maliban sa masarap na pagkain, kaaya-ayang venue, may pa-award pa siya sa mga writer.
Naalala ko pa noong nagpaskil sa Fb si sir Nick ng invited press para sa kanyang presscon, wala ako sa list. Nag-react ako ng sad emoji. Agad siyang nag-pm sa akin, sabi nya 'wag na akong malungkot dahil invited na ako.
Hindi lang siya generous kundi compassionate rin!
Heto nga, hindi man natuloy ang kanyang I Am Ready Grand Concert  last May 23, 2020 dahil sa sitwasyon ngayon, naging aktibo pa rin siya sa pagtulong sa mga kababayang nangangailangan sa pamamagitan ng apat na major projects na pinamahalaan niya.
Unang-una rito ay ang NVProjecTAAL20  kung saan inatasan ni NVP ang NVP1 Smile World angels na mamahagi ng food supplies sa 100 pamilya na naapektohan ng Taal eruption.  Pangalawa, NVProject: PPP (Pagkain Para sa Pamilya) – May 145 poorest of the poor families ang natulungan ng NVP1WORLD Disaster Aide program nang mawalan ang mga ito ng pagkakakitaan dulot ng lockdown. Pangatlo, NVProject Press2020 – Ilang entertainment press ang naayudahan  nang mabahaginan sila ng biyaya  (WeeChicken at tig-isang sakong bigas). Pang-apat, NVProject: PPE – Balik-pasasalamat ni Nick at ng NVP1Smile World sa UST College of Nursing na namahagi ng PPEs (Personal Protective Equipments) sa mga healthcare workers sa mga hospital sa pamumuno ng Dean ng College of Nursing na si Rowena Chua at ilang propesor gaya nina Ms. Ida Tionko, Ms. Rouenna Villarama at Ms. Trinidad Ignacio.
Talagang hindi matatawaran ang pagmamalasakit ni Nick sa kanyang mga kababayan kahit sa Chicago, Illinois siya naka-base bilang isang registered nurse.
Eniwey,  ang na-postpone na show niya sa Luxent Hotel Grand Ballroom na kinatatampokan nina Erika Mae Salas ng Viva/Ivory Records,  Kikay/Mikay, Ynez Veneracion, at ang kanyang USA stars na sina Irelyn Arana at Rock Star Diva Rozz Daniels, ay makakasama pa rin ni sir Nick sa December 25, 2021.



Huwebes, Hulyo 2, 2020

IT'S ALL ABOUT WOMANHOOD ON 'HOW DO YOU FEEL?' USAPANG ARTISTA' THIS SATURDAY





Multi-talented comedian and content creator Michael V., Bubble Gang mainstays Paolo Contis and Chariz Solomon, and veteran actor and Pepito Manaloto star Ronnie Henares tackled what makes an effective comedian, the current landscape of comedy in the Philippines, the stereotypes and misconceptions of the comedy genre on GMA Artist Center’s online show How Do You Feel?: Usapang Artista last Saturday (June 27).

It was a discussion filled with laughs and insights facilitated by Mikoy Morales.

Michael V. highlighted the importance of having a unique style and voice in different levels of entertainment particularly in comedy. “You really have to stand your ground. Create your own personality at saka gagawa ka ng sarili mong puwesto sa industriya,” he said.

Meanwhile, Paolo shared how he adds his own flavor to his craft as a comedian. “The more truth I see, the funnier it gets. Dati hirap na hirap akong makaisip ng konsepto ng script na pwede kong isulat dahil ang dami, pero kapag mag-concentrate ka lang sa isang pangyayaring based on reality, feeling ko strength ko ‘yun. Lalagyan ko lang ng twist of logic.”

Chariz attributes her knowledge on comedy and techniques on making people laugh to her mentors. She related, “When I’m being true to the situation, true to myself and my emotions, ‘yun yung nakakatawa.”

Ronnie explained that good comedy is all about the timing, “A lot of it is timing. It depends on the timing that happens in the show, and your expressions.”

This Saturday (July 4), Janine Gutierrez, Andrea Torres, Mikee Quintos, Thia Thomalla, Athena Madrid, Lauren Young and Cai Cortez will take us to the process of developing a female role that is different from their own personalities, discuss how important it is to ably represent women through the roles they portray, and talk about characters they have played that had an impact on their personal lives.

The roundtable discussion will be facilitated by Chynna Ortaleza and Ana Feleo.

Produced by acting coach Ana Feleo and Artist Center talents Chynna Ortaleza, Benjamin Alves, and Mikoy Morales, catch ‘How Do You Feel?: Usapang Artista’ on GMA Artist Center’s YouTube channel and GMA Network’s Facebook page this July 4, Saturday, at 8PM. 

SHOW NI DREW SA GMA, DINAGDAGAN PA NG ARAW



Simula nitong July 1, apat na beses na sa isang linggo mapapanuod ang award-winning na infotainment show na AHA! kasama si Drew Arellano. Mula Miyerkules hanggang Biyernes, 8:25 am ito eere sa GMA-7, habang tuluy-tuloy pa rin ang original timelot nito na 8:15 am tuwing Linggo.
Noong July 1, inalam ni Drew ang mga paandar pagdating sa mga personal transport vehicle gaya ng electric go kart at electric roller blades. Napanuod din kung paano nga ba nangyayari ang abnormalities at birth defects sa mga hayop at kung paano dapat suportahan at alagaan ang mga hayop na may ganitong kondisyon.
Nitong Huwebes naman, nagpunta ang AHA! sa isang ToyCon kung saan pati mga manyika, rumampa at nagpagandahan din. Nag-throwback din ang programa sa mga sinaunang toy dolls na pinaglaruan nina mommy at lola.
Ngayong Biyernes, susubukan naman ng AHA! squad ang iba't ibang games na inspired mula sa 'Running Man!' Papasukin din nila ang 16th century dungeons sa Baluarte de San Barbara sa Fort Santiago sa Intramuros na dating ginawang imbakan ng mga sandata at bala noong panahon ng mga Kastila. Alamin ang mga kuwento tungkol sa makasaysayang lugar na ito.
Totoo nga kaya ang mga duwende? Alamin ang iba’t ibang kuwento at paniniwala tungkol sa mahiwagang nilalang na mga ito. Samantala, nag-viral noon ang batang sobrang nai-stress nang makalunok ito ng butong pakwan.  Ano nga bang mangyayari kung nakalulon ng buto ng pakwan? Totoo nga bang may tutubong puno sa loob ng ating katawan?
At pagdating naman ng Linggo (July 7), makakasama ng AHA! si Boobsie Wonderland sa espesyal na segment na 'Let's Do It! Let's Drew It!' Kakasa kaya si Boobsie sa mga hamon ni Drew gaya ng 'AHA: Walang Tatawa Challenge with a Twist', 'Tongue Twister Challenge' at iba pa?
Sa iba pang AHA-mazing stories, ano nga ba ang 'kinetic sand?' Anu-ano ang mga katangian nito at nagagawa itong iporma o imolde sa iba't ibang hugis?  Iyan ang ibibida ni Ka-AHAng Ivan Dorschner na may bonus pang music video!
At sinong mag-aakalang may ice hockey team din ang isang tropical country na gaya ng Pilipinas?
Learn from home four times a week sa AHA! Miyerkules hanggang Biyernes, 8:25 am, at Linggo, 8:15 am sa GMA!

AYON SA DATING PARTNER: XANDER FORD SOBRANG HILIG SA SEX AT NAGDA-DRUGS



Kinasuhan na si Marlou Arizala y Salcedo alyas Xander Ford, 22 years old ng kanyang dating live-in partner na si Sittie Janisah y Comayog, alyas Ysah Cabrejas, 19 years old sa tulong ni Raffy Tulfo. Kasong Acts of Lasciviousness at violation of RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act ang kahaharapin ni Xander.
Ayon kay Ysah, willing syang makipag-usap sa huli pero nang puntahan nila ito sa bahay kasabay ng pagbawi sa alagang pusa at mga damit ay walang Xander na humarap sa kanila kahit pa sinasabi ng mga kapitbahay na nandoon lang sa loob ang binata.
Gayunman, nakuha na ni Ysah ang alagang pusa, ang susi ng condo at ilang damit. Aniya, dalawang sako bag na punong-puno ng damit ang bitbit niya ng magsama sila sa isang condo unit sa Tondo ni Marlou noong Mayo pero isang bag pack na halos walang laman ang inabot sa kanya ng mga kapatid na ayaw na ring magsalita.
Ibinulgar din ni Ysah na maliban sa kanya, marami pa umanong naging biktima si Xander. May nakausap daw siyang isang biktima na menor de edad pa noon nang sapilitan din daw umanong gamitin ng retokadong binata. Hinawakan daw ang mga braso nito at pwersahang inihiga sa kama katulad nang nangyari sa kanya. Dagdag pa ng dalaga, sobrang hilig na raw ngayon sa sex ng binatang produkto ng 'salamat po doktor' na dati'y hindi naman, tomador din ito, mahilig magyosi at gumagamit pa raw ng ipinagbabawal na gamot.
Sa pagtatanong naman ng staff ni Raffy sa mga kapitbahay ni Xander, mabait naman daw ito, iyon nga lamang kapag may sumpong o wala sa mood ay talagang pinagtitripan daw sila. Ayaw na rin nilang makasama ang dating tropa matapos nilang mabalitang nanakit ito ng babae.
Samantala, pinag-shopping naman ng mga gamit sa katawan ng staff ni Raffy si Ysah at binigyan pa ito ng ilang libo ng matulunging radio achor at TV host.
At kapag ibinaba na ang warrant of arrest kay Xander tiyak na hahanapin na sya ng mga otoridad para damputin. Kahit magtago pa siya sa saya ng nanay nya ay talagang poposasan siya.
July 03, ang kaarawan ni Ysah at 20 anyos na siya. Ano ang birthday wish nya? Ang maswak sa kalaboso ang dati niyang papa? Susme!




GARI ESCOBAR, PANGARAP MAGING TOTAL ENTERTAINER




Isa sa tinututukan namin tuwing umaga on Facebook ay ang singer, businessman and motivational speaker na si Gari Escobar Gabrinao. Effective ang kanyang public speaking on Fb dahil nagbibigay siya ng inpirasyon sa lahat specially ngayong may Covid pandemic.
He talks about positivity.  It can be difficult to remain positive, that's why we need coach like Gari  to help us to be our best.
Anyway, ang pagiging singer ni Gari ay hindi naman nya kinalilimutan. In fact,  dream nya na maging katulad ni Rico J. Puno na isang magaling na performer onstage.
"Pangarap ko maging total entertainer na tulad ni Rico J, the best po sya. Mahilig kasi ako mag entertain at sumayaw at gusto ko subukan ang iba't ibang genre ng music," Ani Gari. At dahil paborito niyang mangaawit si Rico J. lahat ng mga kanta nito ay alam niya.
"Saulado ko lahat ng songs nya pati yung "Together forever" at "Where did our Love Go. 'Yung song nya na "Kapalaran" ang pinakaunang kinanta ko sa singing contest, dun ako nag second place," pagalala pa ng mabait na public speaker during those times na isa pa siyang kontesero. "Para pa kasi akong estatwa kung kumanta noon. Heheha!" aniya pa kaya pumangalawa lamang siya.
Si Gari ay recording artist from Ivory Records at pinatunayan niya ang galing niya sa pagkanta nang manalo siya as New Male Recording Artist of 2019 sa PMPC Star Awards for Music.
Maging sa pagnenegosyo ay magaling din siya. Patunay ang mga awards na nakuha niya from  2012 Presidential Diamond at 4Life Research USA, 2013 International Diamond at 4Life Research USA, 2016 Sales Achiever Awardee at DSAP | Direct Selling Association of the Philippines, 2017 DSAP Hall of Fame Awardee at DSAP | Direct Selling Association of the Philippines and 2017 DSAP Entrepreneur if the Year at DSAP | Direct Selling Association of the Philippines.
What keeps him busy during this pandemic?
"What keeps me busy right now? Every morning po at 8:30am I do FB Lives (FB: Gari Escobar) talking about positivity, opportunities and inner strength para makatulong sa mga tao in shifting their worries and fears to positive thoughts na soon ay ipalalabas sa Channel 31. Every Sunday at 8PM naman po ay kumakanta ako ng Live sa aking FB page na Gari Escobar para aliwin ang aking fans."
Samantala, regular na mapakikinggan ang mga songs ni Gari on FM stations at ready na for release ang kanyang bagong komposisyon.
"Right now po ay two songs ko ang tinutugtog sa 102.7 Star FM, yung "Baguio" at "Tama na".  By the second week of July ay irerelease na digitally ang aking 3rd single."
At siyempre hindi niya kinalilimutan ang kanyang mga fan na laging nandyan to support him.
"Nagpapasalamat po ako sa aking mga supporters na sinusuportahan po ako sa lahat ng ginagawa ko. Lagi po silang nandyan. Pati ang aking online business ay sinusuportahan nila kaya kahit nung may quarantine busy ako dahil malakas po ang aking online business promoting immune system supplements ng 4Life," ayon pa kay Gari.