Huwebes, Agosto 13, 2020

JOHN REGALA, NAKALABAS NA NG HOSPITAL

 


Nakalabas na ang veteran actor na si John Regala sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) pagkatapos na ma-confine ito nang walong araw. Ito ay ayon sa post ng kanyang friend/publicist Aster Amoyo sa Facebook.

Si John ay nagkaroon ng severe gout at liver cirrhosis kaya siya dinala sa hospital noong August 4, sa tulong na rin ng mga kasamahan niya sa industriya, ni Raffy Tulfo at ng religious group na kinaaaniban niya.

Bagama't hindi pa totally recovered ang aktor, inuwi na siya sa bahay para doon na lamang magpagaling habang patuloy na umiinom ng kanyang mga gamot.

Gusto pa sana nina Aster at mga kaibigan niya na mag-stay pa si John sa hospital subalit nag-insist daw ang huli na lumabas na siya. Kaya noong August 12 ay nag-checkout sila.

Si John ay nakakuha ng sympathy mula sa mga kasamahan sa trabaho  at mga supporter pagkatapos na  maispatan siya ng isang netizen na humihingi ng tulong at ipost ito sa FB page. Ni-rescue siya Pasay City kung saan siya nakita na hilong-hilo at nanghihina dahil ilang araw nang walang laman ang tiyan dahil bawat kainin nito ay isinusuka at bunga na rin sa pagbagsak ng sugar.

Sa interview sa kanya, sinabi nitong nagiisa na lamang siya sa buhay pagkatapos na layasan ng kinakasama. At simula nang mamatay ang kanyang inang si Ruby Regala ay nawalan na siya nang komunikasyon sa kanyang mga kamag-anak.

Sina Amoyo, Chuckie Dreyfus at Nadia Montenegro ang nag-initiate ng fundraising para sa aktor upang matulungan ito sa medical bills at iba pang expenses.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento