Biyernes, Agosto 7, 2020

SOCIAL MEDIA ACCOUNTS NI ANGEL GUSTONG I-HACK

                                                                     

Target ngayon ng mga hacker ang mga social media account ni Angel Locsin. Obviously ang gustong mang-hack sa kanya ay mga hindi pabor sa kanyang  ipinaglalaban. Ayon sa aktres, ilang beses nang nagbigay ng warning sa kanya ang mga pamunuan ng Facebook, Twitter at email sa ilang beses na pagtatangkang pasukin ito ng mga intruder.

Bago pa ipasara ng kongreso ang ABS CBN ay aktibo nang nangangampanya para sa franchise renewal ng network si Angel at hanggang ngayon na sarado na ito.

Pati nga raw ang personal na buhay nito ay napapabayaan na. Yong kasal nila Neil Arce na nakaplano ngayong taon ay hindi na napagu-usapan. Ang sabi'y kahit may pandemya ay tuloy ito. Susunod na lamang daw sila sa health protocol.

As of of today, ang laging nababalitaan natin sa kanya ay ang mga pagtulong na ginagawa niya sa mga kababayang hirap na hirap na dahil sa pandemya at ang kanyang mga pagbabatikos sa mga kapalpakan sa gobyerno.

Eniwey, isa lang ang napapansin namin kay Angel, wala pa kaming nababalitaang nagbigay-tulong siya sa kapwa niya mga artista sa pamamagitan ng ayuda. Kahit sa mga manunulat wala pang nagsasabi sa amin na inayudahan niya.  Hindi ba't charity begins at home?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento