Martes, Marso 3, 2020

Update para sa mga Kapuso Stars


Kate Valdez at Migo Adecer, may bagong project!

Talaga namang in demand ngayon ang Kapuso stars na sina Kate Valdez at Migo Adecer dahil bukod sa GMA primetime series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ay may bago silang pagsasamahang proyekto na mapapanood sa GMA News TV. Hindi lang din sa drama at kilig maaasahan sina Kate at Migo, ang newest project kasi nila na ‘Project Destination’ sa ilalim ng produksyon ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) at GMA Public Affairs ay iikot sa magagandang asal ng mga Pilipino. Gaganap si Kate rito bilang Loret na anak ng prominenteng political clan sa bayan ng Negros, mahuhulog ang loob niya kay Andre (Migo) na isang Filipino-American blogger. Samantala, nadurog naman ang puso ng mga netizens sa ginawang pagtanggi ni Ginalyn (Barbie Forteza) sa tunay nitong nararamdaman kay Cocoy (Migo) para mapanatili ang kanilang friendship ni Caitlyn (Kate) sa pinag-uusapang teleserye na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday. Heartbroken man, to the rescue pa rin ang knight in shining armor ni Ginalyn na si Cocoy nang malagay ito sa panganib. Tuluyan nga kayang mapapahamak ang dalawa? Sundan ang mga nakakaaliw na eksena sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday tuwing gabi pagkatapos ng Descendants of the Sun sa GMA Telebabad.

Dingdong-Jennylyn at Rocco-Jasmine loveteams, kinakikiligan sa Descendants of the Sun

Kahit pa open sa publiko at masaya na sa kani-kanilang love life sa tunay na buhay ang main cast ng hit GMA Pinoy adaptation ng Korean drama series na Descendants of the Sun na sina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Rocco Nacino, at Jasmine Curtis-Smith ay hindi pa rin maikakaila ang nag-uumapaw na chemistry ng kanilang tambalan on-screen. Halos himatayin nga sa kilig ang mga fans ng JasCo nang mapanood ang first kissing scene nina Diego (Rocco) at Moira (Jasmine). Samantala, super excited naman ang mga fans ng DongJen dahil matutuloy na sa wakas ang pinakaaabangang kissing scene nila Dr. Maxine (Jennylyn) at Capt. Lucas (Dingdong). Tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng papuri sa ibang klaseng cinematography at nakakadalang acting ng mahusay na cast ng #DOTSPH, kaya naman ‘wag nang magpahuli pa at subaybayan na ang mga kapana-panabik na kaganapan sa Descendants of the Sun tuwing gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA!

GMA Network, #1 pa rin noong Pebrero

 Tuluy-tuloy ang panalo ng Kapuso Network sa TV ratings simula nang pumasok ang bagong dekada! Sa latest na data galing sa Nielsen TV Audience Measurement, lumabas na wagi nanaman ang GMA sa urban areas kasama na ang Urban Visayas! Mula pang-umagang mga programa hanggang sa gabi, mas pinipili ng mas nakararaming Pilipino ang Kapuso Station. Kasama sa listahan ng mga top-rating shows ang KMJS, 24 Oras, Wowowin Primetime, Daig Kayo ng Lola Ko, Magpakailanman, Descendants of the Sun The Philippine Adaptation, Centerstage, Anak ni Waray vs Anak ni Biday, The Gift, Daddy's Gurl, Pepito Manaloto, Amazing Earth, Prima Donnas, Love of my Life, Eat Bulaga, Tadhana, at Magkaagaw. Congratulations, mga Kapuso!

All-Out Sundays girls, patok ang TikTok dance

 Umabot na sa lagpas 300,000 views ang video ng cover nina Gabbi Garcia, Julie Anne San Jose, at Kyline Alcantara sa TikTok dance craze na “Shake That Thing” habang nasa loob ng dressing room ng kinabibilangan nilang GMA top-rating show na ‘All-Out Sundays.’ Aliw na aliw ang netizens sa paandar nilang ganito at inulan ng papuri ang comments section nina Kyline at Julie sa mga inupload nila. Sey ng mga fans, hangang-hanga sila sa dance moves at kaseksihan ng tatlo! Dagdag pa ng iba, gusto raw nila gayahin ang nasabing dance covers. Iba talaga ang lakas ng dating ninyo, Gabbi, Julie, at Kyline! Huwag palalampasin ang mga performances nila tuwing Linggo sa ‘All-Out Sundays!’

Prima Donnas, dinadayo sa mga mall shows

Daan-daang avid fans ng top-rating GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas’ ang dumayo para makita nang personal ang mga paborito nilang Kapuso stars na sina Katrina Halili, Jillian Ward, Sofia Pablo, Althea Ablan, Elijah Alejo, Will Ashley, at Julius Miguel sa ginanap na mall shows nitong weekend. Taos-pusong nagpasalamat ang bigating cast ng serye sa walang humpay na suportang natatanggap nila mula sa mga manonood. Pagbabahagi ni Jillian, “Parang ito po talaga 'yung purpose ko sa buhay ko na mag-inspire at magpasaya po ng tao.” Patuloy pa ring sinusubaybayan ng televiewers ang mas umiigting na kuwento sa ‘Prima Donnas’ tuwing hapon, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Magkaagaw at tuwing Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA!

Gabby Eigenmann, well-loved ng Kapuso stars

Inulan ng heartfelt birthday greetings ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann noong Lunes sa kaniyang ika-42 na kaarawan. Sa kaniyang birthday post sa Instagram, binati siya ng mga kapwa niya GMA stars na sina Barbie Forteza, Ruru Madrid, Lovi Poe, at Gabbi Garcia. Ramdam na ramdam mo ang pagmamahal sa kaniya ng mga kaibigan sa industriya! Samantala, patuloy siyang napapanood sa pinaka-bagong GMA Afternoon Prime drama series na ‘Bilangin ang Bituin sa Langit,’ na pinagbibidahan nina Superstar Nora Aunor, Kyline Alcantara, at Mylene Dizon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento