Sabado, Marso 14, 2020

Jeric Gonzales, inialay ang bagong single sa yumaong lolo









Ngayong buwan ng Marso, inilabas ng Magkaagaw lead actor na si Jeric Gonzales ang kaniyang bagong single under GMA Music na pinamagatang ‘Line to Heaven,’ isang remake ng 90s hit ng bandang Introvoys.

Ikinuwento ni Jeric ang kaniyang excitement nang malaman na magkakaroon siya ng sarili niyang rendition ng kantang ito, "Alam kong hit 'yang Line to Heaven in the 90s. So, para mabigyan ng chance na gawin ito, it's an honor. Na-surprise talaga ako, Introvoys, idol ko 'yan."

Ang ‘Line to Heaven’ na isinulat ni Paco Arespacochaga, ay may madamdaming lyrics at ibinahagi ni Jeric kung paano siya nakaka-relate rito. Ayon sa kaniya, iniaalay daw niya ang awiting ito sa kaniyang yumaong lola.

"I will dedicate this song to my late grandmother kasi I miss her so much. Hindi pa rin ako makapaniwala na nawala na siya, if I will have a time na makausap, mayakap, or mapuntahan siya, kakantahin ko 'yun sa kaniya."

Gawa ni Kettle Mata ang musical arrangement para sa ‘Line to Heaven.’ Malapit na rin ilabas ang performance video nito sa opisyal na social media pages ng GMA Music.

Sa kasalukuyan, may inihahandang original song si Jeric sa ilalim din ng label. Marami pa ang dapat abangan sa kaniya bilang talentado ito hindi lang sa pag-arte kundi pati rin sa pagsulat ng kanta at paggamit ng instruments.

Available na for streaming ang ‘Line to Heaven’ sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento