Linggo, Marso 15, 2020

MOMMY DIVINE AT SARAH GERONIMO, MAGHAHARAP SA KORTE




Hindi pa tapos ang gulo sa pagitan nina Sarah Geronimo at Mommy Divine kasama ng pamilya.  Mas lalong naging kumplikado umano ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan nina Sarah at ng kanyang pamilya dahil sa order ni MD na huwag papasukin sa kanilang subdibisyon (Saint Charbell Executive Village) ang una lalo na kapag kasama raw si Matteo Guidicelli kaya't hindi nito nakukuha ang kanyang mga damit, sapatos, bags, at few pieces of jewelry.
Ang wardrobe ni Sarah na ginagamit nito for her shows ngayon ay pino-provide ng production at bumili rin siya for her self. Ultimong ang suot niyang sandal nung kanyang Christian wedding ay binili pa niya sa Shangri-La BGC ilang minuto bago ang kasal. 
Inutusan din daw ni Mommy Divine ang  kanyang pamilya to refrain from communicating with Sarah. No texts and calls were allowed. Sinubukan daw ng huli na tawagan ang kanyang kapatid para ma-retrieve ang mga important things, pero hindi na niya makontak  dahil pina-block daw ni madir sa lahat ng mobile phones na hawak ng kanyang pamilya ang number niya.
At eto pa, ewan natin kung totoo ito, ang tanging bumibili raw ng mga basic clothes ng Popstar Princess noon pa ay si Matteo dahil sa kabila ng stature ng kanyang misis bilang isang sikat na singer at artista ay wala itong sariling designer stuff. Kung may hawak man daw itong signature bag, iyon ay dahil sa stylist niya na nagpapahiram sa kanya. Wala rin siyang sariling walk-in closet, hindi katulad ng ibang celebrities na mas sikat pa siya, may mga ipinagmamayabang sa sari-saring damit na nakalagay sa kanilang mga customized van.
Sa katayuan ni Sarah, dapat may sarili rin itong Youtube channel na pinagkakakitaan niya na pinatatakbo ng binabayaran nitong IT o Admin. Meron kaming channel na nakita na nakapangalan sa kanya na may 374 video posts at milyon naman ang views katulad ng Tala na may 112 milyon pero nakapagtatakang 212k subscribers lang ito . Ang Viva ang siguradong may hawak nito dahil sila lang ang may rights ng mga awitin ni Sarah.
Anyway, sabi pa, nagulat daw si Matteo nang gamitin nila ang hawak na supplementary card ng asawa na ikinagulat nila dahil transaction was denied. Ibig sabihin pinaputol ito ni Mommy D. Ang huli kasi ang may hawak ng lahat ng income ng anak. Sya ang may hawak ng principal card at  supplementary lang ang kay Sarah. Kaya nasa kanya ang lahat ng desisyon tungkol sa pera.
Balitang kinausap na raw nina Matteo at Sarah si Vic del Rosario para makuha ang pera kay Mommy Divine. Nag-hire sila ng lawyer para raw makuha ang nararapat na para kay Sarah. Willing naman daw ang mabait na singer na i-share half her cash and assets to her parents and siblings na lahat ay tapos ng mag-aral dahil sa kanya.
Hindi raw kayang ubusin ni Mommy Divine ang nasabing pera na nasa kalahating bilyon umano  plus yong mga ari-arian at mga negosyo nila na kumikita rin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento