Martes, Marso 3, 2020

BODYGUARD NI SARAH, SOLVED SA 200K



Ayos na ang buto-buto! Nahilot din! Ngayon ay matatahimik na ang magkabilang panig between Matteo Guidicelli and Jerry Tamara, close-in security ni Sarah Geronimo na pinatikim umano ng kamao ng aktor nung kasagsagan ng gulo sa seremonya ng civil wedding ng dalawa dahil sa pag-'gatecrash' ni Mommy Divine.
Halagang 200k ang ibinigay ng Viva office kay Tamara para manahimik na ito na nung una raw ay nag-demand  ng 1.5 milyon pero nagkatawaran.
Walang nangyari sa unang pagpunta ni Tamara sa Viva  kasama si Idol Raffy Tulfo dahil ang hinahanap ni The Bodyguard ay ang bagong kasal na humarap sa kanya at personal na humingi ng sorry sa kanya si Guidicelli ngunit ayon kay Boss Vic del Rosario, naipit daw sa taping ang dalawa.
Kahit nag-one-on-one na sina Boss Vic at Tamara para maayos ang isyu, nagmatigas talaga sng huli. Hanggang sa dumaan ang dalawang araw nalaman na lamang ni  Mr. Action Man na nagkasundo na sina Boss Vic at Tamara. Tumungo (sa paanyaya ni Del Rosario) raw ng mag-isa sa Viva ang nasuntok na gwardya na noong una ay natakot pang humarap dahil malalaking tao raw ang kalaban niya kaya nagpasama kay Idol Raffy, pero sa pangalawang pagkakataon nagsolo na si pogi.
Malinaw na may nangyaring panununtok. Hindi naman kasi magbibigay ng ganung halaga si Del Rosario kung hindi talaga nanakit ang alaga nya.
So, mukhang nasilat ang nagkwento sa amin na inutusan ni Mommy Divine ang gwardya  para magpunta ito sa police station  at magpa-blotter. Naupakan nga naman pala kaya kaya pumunta sa pulisya. Ang totoo siguro doon ay iyong karugtong na chika na nag-givsung si Mommy D sa media upang pumunta sa istasyon ng pulis kung saan nagpa-blotter ang jaguar nila para maislip ito't maisulat sa mga pahayagan.
O, sya, tantanan na ang isyu na yan at mag-move on na!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento