Martes, Marso 10, 2020

James, pinaaasa si Nadine!



Inaabangan ng fans na ipakita ni Nadine Lustre ang kabuuan ng kanyang tattoo sa arm, at gusto rin nilang malaman kung ano ang ibig sabihin nito. Ito ba'y may kaugnayan sa pag-ibig, sa kanyang career o sa kanyang pamilya at pagkatao?
At bakit naman daw sya magpapa-tattoo, dumi lang ito sa katawan.
Habang inuukitan siya ng tattoo artist, napokus sa kanyang underarm ang camera at napansin ng mga basher na maitim daw pala ang kanyang kili-kili.
Napansin naman ng iba na mas umaalagwa ang career niya kesa sa ex o part time lover (dahil nagkikita pa rin sila paminsan-minsan) niyang si James Reid. Ibig sabihin, mas mabait sa kanya ang kapalaran kesa kay James na hindi mo malaman kung saang direksyon patungo ang career. Susme!
Kumusta na ba ang sarili nitong music label, ang pelikula kay Momoland member Nancy Mcdonie, nasimulan na ba? May plano pa raw ito na pagtungo sa Hollywood upang doon makipagsapalaran. Ano ba talaga?
Baka may mga proyekto na itong ginagawa na hindi lang natin alam pa.
Anyway, ang payo ng ilang love expert, kung talagang ayaw na raw nito kay Nadine, huwag na nitong paasahin. Huwag na itong makikipagkita sa ngayon upang mapag-aralan na siyang kalimutan ng dati niyang live-in partner. Alam naman ng lahat kung gaano ka-head over heels sa kanya si Nadine. 'Yun na!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento