Sabado, Marso 21, 2020

GMA Updates on various Kapuso shows and artists


Encantadia, trending ang pagbabalik sa GMA Telebabad!

Tila sobrang na-miss ng buong sambayanan ang ground-breaking telefantasya ng GMA na ‘Encantadia’ nang mag-trend ito first spot sa Twitter sa unang araw nang pagbabalik-telebisyon nito noong Huwebes bilang pansamantalang kapalit ng Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun sa Telebabad block. Hindi maitago ng mga die-hard fans ng naturang show o tinaguriang Encantadiks ang kanilang excitement sa muling pag-ere ng Encantadia. "#Encantadia has already made its mark in Philippine TV capturing the heart and mind of Filipinos. Indeed, Super Classic. Best storyline. A teleserye which can be retold every decade,” saad ng netizen na si Mark Neil. Bumuhos din ang mga tweets na nagsasabing manatili na lang sa kanilang mga tahanan sa panahon ngayon ng enhanced community quarantine at manood ng Encantadia. Hindi lang netizens at Encantadiks ang natuwa sa muling pagbabalik ng Encantadia, dahil maging ang mga San’gres na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro ay nag-post din sa kani-kanilang Instagram accounts ng labis na saya sa pagbabalik ng pinagbidahang classic telefantasya. Sundan muli ang kwento ng Encantadia na mapapanood tuwing gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad. 

Kate Valdez, nasa TikTok na rin!

Habang stop muna sa taping n GMA series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday na pinagbibidahan nila ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, inaaliw muna ni Kate Valdez ang kanyang sarili sa sikat ngayong social media app na TikTok. Dahil bago pa lang sa TikTok, ang kapatid daw nito na si Karen ang nagturo ng dance moves sa viral song ni Justin Bieber na Yummy. Pinuri naman ng netizens ang tinatagong galing ng Kapuso actress sa pagsasayaw, “Ang galing naman sumayaw ni Caitlyn este Kate pala.” Biro pa ng TikTok user na si Irish dela Cruz, “Sana all magaling sumayaw.” Bukod sa dancing, hinahangaan din si Kate sa husay nitong gumanap bilang ang Biday na si Caitlyn sa serye nila ni Barbie na gumaganap naman bilang ang Waray na si Ginalyn. Sa tuluyang pagkakasira ng kanilang friendship dahil kay Cocoy (Migo Adecer), history repeats itself nga ba kagaya ng nangyari sa kanilang mga nanay? At sa pagbabalik ni Joaquin sa buhay nina Sussie (Dina Bonnevie) at Amy (Snooky Serna), masiwalat na nga kaya ang lihim ng nakaraan? Sundan sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday na pansamantalang papalitan ng Kambal, Karibal pagkatapos ng Encantadia Season 2 na pumalit naman sa Descendants of the Sun tuwing gabi sa GMA Telebabad.

Mikael, biniro si Megan

Aliw naman ang mga netizens sa ginawang pag-edit ni Love of my Life star Mikael Daez sa litrato nila ng asawa nitong si Legal Wives star Megan Young na magkayakap. Imbes kasi na mukha ni Mikael ay inedit niya ito at pinalitan ng mukha ng sikat na pool player na si Efren Bata Reyes na ayon sa kanya ay lolo raw talaga ni Megan. Ang Instagram username kasi ni Megan ay @meganbata na tagalog ng apelyido nitong Young. “Because a lot of you are asking, 'eto na po ang pruweba kung sino ang lolo ni @meganbata,” sabi ni Mikael sa kanyang caption. Dagdag pa nito ay super sweet pa raw ng dalawa. Pahabol naman ni Mikael ay katuwaan lang daw ang litrato at may pasingit pa na nakakatuwang hashtag na #MasakitMatamaanNgBilliardBall. Bumuhos naman nakakatawang comments ng netizens sa photo edit ni Mikael na tinanong pa ang Kapuso actor, “Bored ka na ba kuya? HAHAHA!” Samantala, mapapanood si Mikael bilang si Nikolai sa top-rating GMA series na Love of my Life. Sa pagkakasiwalat na kay Kelly (Rhian Ramos) ang natagpuang red underwear sa kwarto ni Nikolai, ito na nga ba ang simula nang pagkakamabutihan ng dalawa? Ang pagdadalang-tao nga kaya ni Adelle (Carla Abellana) ang susi sa pagkakaayos nila ng biyenan nitong si Isabella (Coney Reyes). Sundan ang Love of my Life na pansamantalang papalitan ng My Husband’s Lover pagkatapos ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday na pinalitan naman ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad.

Derek Ramsay, may ibang kayakap ‘pag wala si Andrea

Tuwing wala raw ang girlfriend nitong si Andrea Torres, inamin ni Kapuso hunk actor Derek Ramsay na iba ang niyayakap nito. Ang tinutukoy ni Derek ay ang mahabang unan nito na mula sa Japan na kung tawagin ay athlete’s pole, hinihigaan daw niya ito upang makatulong sa pag-align ng spine at pag-strengthen ng kanyang core. "Ito ang aking kabit. You might be wondering what this is. Kapag wala si Andrea, ito ang aking baby," biro pa ni Derek. Sa kanyang Youtube video ay ibinahagi ni Derek ang mga bagay na hindi niya raw kakayaning mabuhay ng wala gaya ng car keys at necklace na bigay ng nobya nitong si Andrea. Pansin naman ng viewers ang kakaibang glow daw ni Derek simula nang maging sila ni Andrea, “You look so happy with Andrea! I haven’t seen you proud of a girlfriend except for this time! Goodluck!” Samantala, magbabalik-telebisyon ang AndRek sa GMA series na Sanggang Dikit na maaksyon daw taliwas sa huli nilang pinagbidahang serye na The Better Woman. 

Lovi Poe, nag-share ng tips paano maaaliw sa bahay

Nagbahagi ng tips sa kanyang Instagram followers si Kapuso star Lovi Poe kung paano gagawing makabuluhan ang pagpalipas ng oras sa kani-kanilang tahanan sa panahon ngayong ng enhanced community quarantine. Ayon kay Lovi, panahon na raw ito upang linisin ang makalat na gallery ng ating mga cellphone, magbasa ng libro na matagal nang isinasantabi, gumawa ng smoothies at mga masustansiyang inumin, linisin anga ating mga damitan, at makipaglaro sa ating mga alagang pets na siguradong pampatagal anxiety din. Sa huli, pinaalalahanan din ni Lovi ang lahat na mag-ingat sa panahon ngayon na may lumalaganap na sakit. Hindi rin nakalimutan ng magandang aktres na pasalamatan at ipagdasal ang mga frontliners na patuloy na nakikipaglaban sa pandemic na ito, "We're lucky we get to stay at the comfort of our homes while they're making a huge act of love for everyone with their selflessness and service."
Samantala, mapapanood si Lovi sa upcoming romance-comedy ng GMA Public Affairs na Owe My Love kung saan katambal niya si Benjamin Alves kasama rin ang kwela at star-studded cast na kinabibilangan nina Aiai Delas Alas, Leo Martinez, Winwyn Marquez, Nova Villa and Ruby Rodriguez, Jackie Lou Blanco at marami pang iba.



Sa isang IG TV video ay nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang multi-awarded comedian at content creator na si Michael V. sa frontliners, kabilang na ang mga doktor, nurse, hospital staff, pulis, military personnel, at civilian volunteers. Aniya, "Walang ibang makakagawa nang ginagawa ninyo kundi kayo, and for that I thank you. Ang buong bansa malaki ang utang na loob sa inyo, and we will continue to pray for your safety dahil literal na nakasalalay ang buhay ng ating mga kababayan sa mga kamay ninyo. At this point, part na kayo ng history as heroes dito sa fight against the coronavirus. Stay safe and may God bless us all."
Sinundan niya ito ng mga mensahe mula sa mga kasamahan niya sa Bubble Gang at Pepito Manaloto tulad nina Direk Bert De Leon, Kim Domingo,  Antonio Aquitania, Joyce Ching, Betong Sumaya, Maureen Larrazabal, Archie Alemania, Denise Barbacena, Janna Dominguez, Mikoy Morales, Arny Ross, Mosang, Valeen Montenegro, John Feir, Chariz Solomon, at Manilyn Reynes, na nagpaabot rin ng kanilang pagmamalasakit sa lahat ng frontliners.

Kyline Alcantara, nagpaalala sa netizens

Kahit nasa bahay lang, minabuti ng ‘Bilangin Ang Bituin Sa Langit’ actress na si Kyline Alcantara na ipagpatuloy ang health regimen niya. Sey niya, “Eating healthy to boost your immune system is really important these days kaya naman eating your veggies and healthy food is a must. Mas mura na, mas makakatulong pa sa kalusugan natin.”
Bukod sa healthy na pagkain, tuloy rin ang home workout ng aktres. Nagpaalala rin si Kyline na para sa mga gagamit ng gym equipment sa bahay, siguraduhing i-sanitize ang mga ito bago at pagkatapos gamitin.
Samantala, kasalukuyan ring napapanood si Kyline sa ‘Kambal, Karibal’, gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng Encantadia.

Bubble Gang sketch nina Faye Lorenzo at Archie Alemania, umani ng six million views!
Bentang-benta sa netizens ang 'Imaginary Son' sketch nina Faye Lorenzo at Archie Alemania sa Kapuso gag show na Bubble Gang. Mayroon na itong mahigit sa six million views sa YouTube. Hindi mapigilan ng netizens na matawa sa kulit scene kung saan hindi malaman ng karakter ni Faye na isang kasambahay kung paano aalagaan ang imaginary son ng karakter ni Archie.
Mapapanood ang nakaka-good vibes at trending na 'Imaginary Son' sketch ng Bubble Gang sa YouTube channel ng GMA Network.

Kapuso stars, naghahatid ng inspirasyon sa pamamagitan ng musika



Tuluy-tuloy lamang ang paghahatid ng inspirasyon ng GMA Artist Center stars sa mga apektado ng COVID-19 sa pamamagitan ng online concert na #HealingHearts. Bawat araw, nagpo-post ng live videos ang mga Kapuso artists sa kanilang social media accounts kung saan sila nag-aalay ng mga kanta at nagbibigay ng mensahe sa kanilang fans. Ilan sa mga nag-live video na ay sina Kristoffer Martin, Myrtle Sarrosa, Sofia Pablo, at marami pang iba. Tutok lamang sa social media accounts ng GMA Artist Center upang malaman kung sino sa inyong mga idolo ang dapat ninyong abangan. 

Benedict Cua, nagbahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa COVID-19
Nagbahagi ang 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday' actor Benedict Cua ng ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa COVID-19. Sa kanyang latest vlog, kasama ni Benedict ang kanyang younger brother na si Jerry Cua na isang licensed doctor. Isa sa mga pinag-usapan at binigyang-linaw ng magkapatid ang ibig sabihin ng medical term na "asymptomatic.” Ani Dr. Jerry, "You are infected pero dinadala mo lang siya, you are just a carrier.” Ayon pa sa kanya, napag-alaman pa sa mga ginawang test sa South Korea na marami doon na edad 20-29 years old ang asymptomatic. Ipinaliwanag din ni Dr. Cua kung paano nakaka-recover ang isang tao kapag tinamaan ng COVID-19.Paliwanag niya, "Like any viral illness, 'yung katawan natin kayang labanan 'yun. Hindi siya tulad ng bacterial infection na kailangan natin ng mga antibiotics. Pinaka common natin is common flu, common colds, those are usually viral. Samantala, habang naka-season break ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday, pansamantalang napapanood sa timeslot nito ang primetime series na Kambal, Karibal. Mag-ingat po tayong lahat, mga Kapuso.

Katrina, happy at thankful sa patuloy na tagumpay ng Prima Donnas  

Masaya at proud si Katrina Halili sa patuloy na tagumpay ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime. Bukod sa patuloy na pag-arangkada sa TV ratings, parami ng parami ang nahu-hook sa serye na napapanood mula Lunes hanggang Sabado sa GMA. “Sobrang proud kami sa Prima Donnas na hindi naming ineexpect na ganun kami tatangkilikin at nagkaron pa ng Saturday airing,“ani Katrina. Dagdag pa ng Kapuso actress, mas marami pang dapat abangan sa serye na dapat pakatutukan ng loyal viewers ng serye. “Marami pa po silang dapat abangan. Marami pang tanong ang walang kasagutan. Kung sino ba talaga si Ruben (James Blanco), sino ang pamilya ni Mayi (Jillian Ward), anong mangyayari kay Lilian ngayon nalaman niya na si Kendra (Aiko Melendez) ang mastermind sa lahat ng kaguluhan sa kanila at sa pamilya Claveria.” At dahil naka-season break ang Prima Donnas, pansamantala munang mapapanood ang Ika-6 Na Utos sa timelost nito sa GMA.  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento