Martes, Marso 24, 2020


                                               “Prayer for Frontliners” 



May kurot sa puso ang “Prayer for Frontliners” na napanuod namin sa Facebook page ng GMA News and Public Affairs. Binigyang-boses ng nasabing post ang dalangin ng marami sa atin para sa mga frontliner na patuloy na hinaharap ang panganib upang matulungan ang mga taong nag-positibo sa COVID-19 at maiwasan ang lalong pagkalat pa ng virus. Wala pa mang 1 araw mula nang i-post ang nasabing prayer ay mayroong halos 800k views at 48k likes na ito. Sa higit 5k comments, makikita ang pagdarasal din ng netizens para sa mga itinuturing na bayani sa laban kontra COVID-19. Lubos ang pasasalamat natin sa sakripisyo ng mga frontliner na hindi man natin lahat makikilala at malalaman ang mga pangalan, nawa’y sa pamamagitan ng ating panalangin ay mabigyan natin sila ng lakas ng loob sa bawat araw na kinakailangan nila sa pagharap sa kanilang tungkulin. Dasal nating lahat na maprotektahan ang mga frontliner na may mga pamilya ring naghihintay na makabalik silang buhay at ligtas pagkatapos ng krisis na ito. At sa mga nagbuwis ng kanilang buhay, hatid natin ang taos-pusong pasasalamat sa kanilang serbisyo at ang pakikiramay sa kanilang mga naulila. Tunay silang mga bayani. Sa panahon ngang ito na lahat tayo ay umaasa na malalagpasan ang krisis na dulot ng COVID-19, malaking tulong ang  panalangin upang palakasin ang loob ng bawat isa. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento