Lunes, Abril 6, 2020

TYRONE ONEZA, MAHIGIT APAT TAON NANG TUMUTULONG




                                                                 
Bukam-bibig ngayon sa Facebook ang pangalang Tyrone Oneza, dating actor, model/endorser at singer dahil sa kanyang pagtulong sa mga Tyronenatics sa kabila ng naka-quarantine din siya sa Barcelona, Spain kung saan siya naka-base ngayon.
                                                 
                                                                         

                                                 
Totoong namamahagi siya ng salapi sa mga Tyronenatics galing sa sariling bulsa mula sa kanyang gabi-gabing pagtatrabaho sa mina-manage niyang bar na matatagpuan sa kabisera ng Barcelona. Malayong-malayo siya sa isang nagngangalang Francis Leo Marcos na namumudmod umano ng bigas pero hindi malaman kung kanino napupunta.









Kung tutuusin, sa sahod na tinatanggap niya buwan-buwan kung iipunin, maaari siyang makabili ng mga bagong sasakyan, makapagpatayo ulit ng bagong bahay at kung anu-ano pa. Ngunit mas minabuti niyang ilaan sa kayang Tyronenatics scholars sa pamamagitan ng kanyang Tyrone Oneza Scholarship Program ang kanyang sweldo.
                                                                       
                                                                                         
 Ang kanyang mga estudyanteng pinag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo ay umabot ng 15, tatlo rito ay tapos na ng college. Sa ngayon ay mayroon pang 10 scholars siyang sinusuportahan.
Maliban sa TOSP, mayroon din siyang sariling version ng Wheel of Fortune at Wish Ko Lang sa Facebook na tumutugon sa mga pangangailangan ng Tyronenatics, mga pahulaan na may nakalaang malaking premyo at mga pangarap na nagkakaroon ng katuparan.
                                                                       
May apat na taon nang ginagawa ni Tyrone ang pagtulong, at makukupirma ito sa pamamagitan ng kanyang mga post. Kaya nga siya nabansagan ng pamunuan mismo ng Facebook na King of FB sa rami ng views and comments na nakukuha niya sa tuwing magla-live siya at magpapahulaan.
Kaya bago pa ginawa ni Francis Leo Marcos ang kanyang challenge ay matagal na itong ginagawa
ng Balladeer ng Masa. Bale ang pagkasa niya sa hamon ay para mas marami pa ang maengganyong tumulong sa mga kapus-palad na walang kakayahang bumili ng pagkain sa panahong ito na may Corona Virus.
Si Tyrone ay iniidolo ng kanyang mga tagahanga hindi lamang sa kanyang pagtulong, sa pagkanta at noo'y sa pag-arte kundi maging sa kanyang mga ginagawa sa buhay.
Ang kanyang pag-ayuno ng 40 days na tubig at hot chocholate lamang ang inilalaman sa kanyang tyan sa tuwing papasok ang Cuaresma ay isang kahanga-hangang bagay na bibihira lang ang makagagawa. Ang tanging nagpapatatag lang sa kanya para magawa ito ay ang pagmamahal at pagsunod niya sa Dios.
Nakabibilib din sa dating member ng defunct That's Entertainment ng yumaong kuya Germs ang talento nito sa pagluluto. Alam niyang iluto ang lahat ng Filipino food, at ilan sa European and American cuisine, pagtimpla ng iba't ibang klase ng alak, ultimo ang pag-proseso ng balot ay alam din niya.
                                                                           
                                                   
                                                   
                                                 
                                                       
Ang lahat ng mga kaganapan sa buhay ng Idolo ng Masa ay matutunghayan hindi lamang sa kanyang Facebook account kundi maging sa kanyang vlog sa Youtube Channel, hanapin lamang ang pangalang Tyrone Oneza at Edwin Oneza at i-subscribe nyo na rin para updated kayo palagi.
                                                               
                                             
Habang ang lahat ay nasa kani-kanilang mga bahay dahil sa pinaiiral na (ECQ) Enhanced Community Quarantine, naibubuhos ni Tyrone ang  panahon sa kanyang Tyronenatics family.
Lahat ay nakakausap niya at nalalaman niya ang mga pangangailangan ng mga ito.
                                                       

3 komento: