Biyernes, Abril 24, 2020

MYSTICA, TATLONG DEMANDA ANG KAHAHARAPIN PAGKATAPOS NG ECQ






Tatlong tao ang nakahandang kasuhan si Mystica ng Estafa at Cyber Libel pagkatapos ng Enhanced Community Quarantine.
Dalawa sa pursigidong magdemanda sa nasabing singer ay sina Nazel Suan na nakabase ngayon sa Saudi Arabia at Leinad, isang negosyante na taga-Bulacan. Nakausap ko na ang dalawang ito at anila, may isa pang taga-Mindanao na handa ring ihabla ang dating split queen oras na matapos na ang krisis sa Covid-19. 
Aminado si Nazel na dati siyang fan ni Tikay at naging inspirasyon daw niya ito kaya siya nagtagumpay sa buhay.  Marami siyang negosyo ngayon na pinapa-manage niya sa kanyang mga kapatid dito sa Pilipinas at sya naman ay nasa Saudi at nagtatrabaho sa isang malaking laboratoryo.
Ani Nazel, inabuso ni Mystica ang kanyang kabaitan. Ginawa umano siyang palabigasan nito pati ng anak nitong si  Stanley.
Nung ma-ospital daw ang anak ng dating bukaka singer ay tinulungan niya ito para makalabas ng hospital. Nagpadala siya ng pera para pambayad pero hindi raw ibinayad sa hospital kundi ihinulog sa motor na inutang nito at muling humingi ng tulong sa kanya gamit ang iba't ibang alibi to the point na siniraan pa raw nito ang sariling ina. Sa kabilang dako naman, habang nage-emote sa kanya si Mystica ay inilalaglag din nito ang anak. Bandang huli, nalaman ni Nazel na dinadramahan lang daw pala siya ng mag-ina para mahuthutan siya. Sa kabila ng mga tulong na ginawa niya sa mga ito sinisiraan pa siya sa ibang tao. Ipinopost siya sa facebook ng hindi maganda at kapag kinokompronta niya, ang sasabihin daw sa kanya, gimik lamang iyon para may makuha itong pera sa ibang fans. Nung palayasin daw sa inuupahang bahay itong si Mystica, sya rin ang tumulong. Ikinuha niya ito ng rent-to-own na condo. Uupahan/huhulugan ito ni Tikay at kapag natapos ay saka niya ibibigay ang titulo. Pero pinipilit na daw nitong kunin ang titulo at nagalit  sa kanya nang ayaw niyang ibigay. Sinisi pa siya nito dahil sinabihan daw niya ito na huwag na itong humingi ng tulong sa munisipyo dahil sasagutin daw niya ang problema nito gayong wala naman siyang sinasabi.
Dahil sa kanya nakilala ni Mystica ang tiyuhin niyang si Mr. Ilagan na tulad niya ay sinuportahan din ang singer. Pero hindi alam ng huli na tyuhin niya ito. Malaking pera raw ang nakukuha ng naturang mang-aawit sa tiyo niya na ipinanghuhulog nito sa sasakyan na kinuha nito noong nakapasok ito sa Ang Probinsyano ngunit bigla siyang tinanggal kaya naging sakit niya ng ulo ang paghuhulog nito buwan-buwan. 
Umabot umano sa puntong niligawan pa ng emoterang singer si Mr. Ilagan para mahumaling sa kanya sa kabila ng meron na siyang asawa, ang 23 years old noon na si Kid Lopez na pinakasalan niya. Ang matindi, ayon pa sa tsika sa atin ni Nazel, nagpadala si Mystica ng malaswang video nito kay Mr. Ilagan para mas lalo niyang makuha ang loob nito.
Samantalang si Leinad, nakuhanan din daw ni Mystica ng 60 thousand plus ilang sako ng bigas. Idinaan sa utang, nang sinisingil na niya ay blinock siya sa facebook.  Ang ikinasasama ng loob niya, nang minsang pumunta raw ito sa kanyang kiskisan nag-live ito sa fb at pinalabas na pag-aari nito ang nabanggit na rice milling. Kaya nagulat na lamang daw si Leinad nang batikusin siya ng mga fan ni Mystica. Pinalalabas ng mga ito na inaangkin niya ang kiskisan ni Mystica.
Ayon kay Leinad, ngayong tatlo na silang nagrereklamo kay Mystica, humanda raw ito dahil bibigyan nila ito ng leksyon.   
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan din ng NBI si Mystica sa pagmumurang ginawa nito kay President Digong. Mukhang may kalalagyan siya dahil dalawang beses na niya itong ginawa sa Pangulo.

Biyernes, Abril 10, 2020

FDCP Releases Memorandum 4 on the Extension of the Enhanced Community Quarantine


      



Pursuant to the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Resolution No. 20 and the subsequent announcement of the President, the Enhanced Community Quarantine in Luzon has been extended to April 30, 2020. 
 
In line with therewith, FDCP will hereby continue the strict adoption of the following relative to the audio-visual industry and community:
 
1. All productions and activities on film, television programs, and other audio-visual contents are SUSPENDED in the entirety of Luzon, including NCR, for the duration of the extension of the quarantine. 
 
2. For the rest of the country, relevant declarations on community quarantine from the respective local government units shall apply. Given the nature of the COVID-19 virus transmission, FDCP strongly recommends stringent social distancing measures to be adopted. 
 
3. As only those private establishments providing basic necessities related to food and medicine shall be open, companies, establishments, and organizations in the audio-visual industry, from pre to post-production and film exhibition must close their offices and adopt work from home arrangements for workers. This is with the exception of media outlets for the purposes of news coverage who must adopt stringent social distancing measures and skeletal work force as well.
 
4. The FDCP shall continue to adopt a work from home setup for all its employees. Hence, the FDCP Office will be closed and will not receive documents until further notice. All transactions and communication shall be taken online. (See attached directory of FDCP Divisions). 
Failure to abide by these set guidelines and those announced by the national government shall be subjected to appropriate action, including criminal, in accordance with relevant laws and regulations. 
 
For everyone’s guidance. 



FDCP Updates DEAR Application Period and Coverage  

Republic of the Philippines
Office of the President
FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES
ADVISORY NO. 03
Series of 2020
 
Relative to FDCP Advisories No. 01, 01-A and 02 on the activation of the FDCP DISASTER/EMERGENCY ASSISTANCE AND RELIEF (DEAR), DEAR ACTION! and DEAR PRESS! and the announcement of the President on the extension of the Enhanced Community Quarantine (ECQ), the following updates on the guidelines are hereby issued:
 
1. Coverage of Qualified Suspended Work. With the extension of the ECQ, the coverage of qualified cancelled/suspended work days as required for eligibility to DEAR programs shall be from March 15-April 30, 2020.
 
2. Application Period. Applications for the DEAR Programs will be accepted until April 30, 2020.
 
3. Holy Week Operations. In observance of the regular non-working holidays during Holy Week, processing of applications and release of disbursements on April 9-10 (Maundy Thursday and Good Friday) will be suspended. However, email applications may still be sent by applicants.
 
Regular online operations shall resume on April 13, 2020. 
 
Earlier issuances on such matters that are inconsistent herewith are hereby amended accordingly.
 
For information and guidance.

See the official press releases and signed documents here:


Lunes, Abril 6, 2020

TYRONE ONEZA, MAHIGIT APAT TAON NANG TUMUTULONG




                                                                 
Bukam-bibig ngayon sa Facebook ang pangalang Tyrone Oneza, dating actor, model/endorser at singer dahil sa kanyang pagtulong sa mga Tyronenatics sa kabila ng naka-quarantine din siya sa Barcelona, Spain kung saan siya naka-base ngayon.
                                                 
                                                                         

                                                 
Totoong namamahagi siya ng salapi sa mga Tyronenatics galing sa sariling bulsa mula sa kanyang gabi-gabing pagtatrabaho sa mina-manage niyang bar na matatagpuan sa kabisera ng Barcelona. Malayong-malayo siya sa isang nagngangalang Francis Leo Marcos na namumudmod umano ng bigas pero hindi malaman kung kanino napupunta.









Kung tutuusin, sa sahod na tinatanggap niya buwan-buwan kung iipunin, maaari siyang makabili ng mga bagong sasakyan, makapagpatayo ulit ng bagong bahay at kung anu-ano pa. Ngunit mas minabuti niyang ilaan sa kayang Tyronenatics scholars sa pamamagitan ng kanyang Tyrone Oneza Scholarship Program ang kanyang sweldo.
                                                                       
                                                                                         
 Ang kanyang mga estudyanteng pinag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo ay umabot ng 15, tatlo rito ay tapos na ng college. Sa ngayon ay mayroon pang 10 scholars siyang sinusuportahan.
Maliban sa TOSP, mayroon din siyang sariling version ng Wheel of Fortune at Wish Ko Lang sa Facebook na tumutugon sa mga pangangailangan ng Tyronenatics, mga pahulaan na may nakalaang malaking premyo at mga pangarap na nagkakaroon ng katuparan.
                                                                       
May apat na taon nang ginagawa ni Tyrone ang pagtulong, at makukupirma ito sa pamamagitan ng kanyang mga post. Kaya nga siya nabansagan ng pamunuan mismo ng Facebook na King of FB sa rami ng views and comments na nakukuha niya sa tuwing magla-live siya at magpapahulaan.
Kaya bago pa ginawa ni Francis Leo Marcos ang kanyang challenge ay matagal na itong ginagawa
ng Balladeer ng Masa. Bale ang pagkasa niya sa hamon ay para mas marami pa ang maengganyong tumulong sa mga kapus-palad na walang kakayahang bumili ng pagkain sa panahong ito na may Corona Virus.
Si Tyrone ay iniidolo ng kanyang mga tagahanga hindi lamang sa kanyang pagtulong, sa pagkanta at noo'y sa pag-arte kundi maging sa kanyang mga ginagawa sa buhay.
Ang kanyang pag-ayuno ng 40 days na tubig at hot chocholate lamang ang inilalaman sa kanyang tyan sa tuwing papasok ang Cuaresma ay isang kahanga-hangang bagay na bibihira lang ang makagagawa. Ang tanging nagpapatatag lang sa kanya para magawa ito ay ang pagmamahal at pagsunod niya sa Dios.
Nakabibilib din sa dating member ng defunct That's Entertainment ng yumaong kuya Germs ang talento nito sa pagluluto. Alam niyang iluto ang lahat ng Filipino food, at ilan sa European and American cuisine, pagtimpla ng iba't ibang klase ng alak, ultimo ang pag-proseso ng balot ay alam din niya.
                                                                           
                                                   
                                                   
                                                 
                                                       
Ang lahat ng mga kaganapan sa buhay ng Idolo ng Masa ay matutunghayan hindi lamang sa kanyang Facebook account kundi maging sa kanyang vlog sa Youtube Channel, hanapin lamang ang pangalang Tyrone Oneza at Edwin Oneza at i-subscribe nyo na rin para updated kayo palagi.
                                                               
                                             
Habang ang lahat ay nasa kani-kanilang mga bahay dahil sa pinaiiral na (ECQ) Enhanced Community Quarantine, naibubuhos ni Tyrone ang  panahon sa kanyang Tyronenatics family.
Lahat ay nakakausap niya at nalalaman niya ang mga pangangailangan ng mga ito.
                                                       

Miyerkules, Abril 1, 2020

FDCP MAGBIBIGAY NG P5,000 DEAR PRESS! TULONG PINANSYAL PARA SA FREELANCE ENTERTAINMENT PRESS NA APEKTADO NG COVID-19


Isang linggo na ang nakalipas simula noong inilunsad ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Disaster/Emergency Assistance and Relief (DEAR) Program upang matulungan ang audio-visual (AV) content industry stakeholders na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Nang dahil sa sitwasyon ng COVID-19, ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon bilang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases related to COVID-19 at idineklara ang state of calamity sa buong bansa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Binuo ng FDCP, na nasa ilalim ng Office of the President, ang DEAR Program bilang agarang pagtugon sa COVID-19 na krisis. Isasakatuparan lamang ang DEAR kapag nagdeklara ng state of calamity ang Pangulo ng Republika ng Pilipinas dahil may malubhang sakuna o emergency sa pampublikong kalusugan. Ang DEAR ACTION! at DEAR PRESS! ang dalawang programa sa ilalim ng DEAR.
Ang DEAR ACTION! (For Displaced Freelance AV Workers) ay inilunsad noong Marso 23. Layunin nitong magbigay ng P8,000 na tulong pinansyal sa freelance AV content industry members na biglaang nakansela o napatigil ang trabaho dahil sa sitwasyon ng COVID-19. Kabilang dito ang technical crew, production/post-production staff, mga on-camera performer tulad ng aktor, dubber, stunt people, at iba pang creatives na walang direktang employer, binabayaran ng “per day” basis, at hindi kwalipikado sa mga benepisyo mula sa gobyerno.
Noong Marso 30, inilunsad naman ng FDCP ang DEAR PRESS! (For Displaced Freelance Entertainment Press) para sa freelance entertainment press workers tulad ng editors, writers, at reporters na biglaang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19. Ayon kay FDCP Chairperson at CEO Liza DiƱo, “Napaka-crucial ng role na ginagampanan ng entertainment press para buhayin at bigyang kulay ang ating showbiz industry. Sila ang tagapaghatid ng mga nangyayari sa loob at labas ng showbiz para sa ating mga audience. Unfortunately, they too, belong to the freelance sector and cannot be afforded unemployment benefits. So in line with DOLE’s CAMP Program which provides unemployment assistance for employees, FDCP has created DEAR ACTION! and DEAR PRESS! to support the freelancers who are not covered by the CAMP Program.”
Ang DEAR PRESS! Program coverage ay sa National Capital Region at para ito sa mga may “no work, no pay” status, hindi kaanib sa isang kumpanya, at hindi kwalipikadong tumanggap ng mga benepisyo mula sa kanilang lokal na pamahalaan at mga institusyon ng gobyerno gaya ng Department of Labor and Employment (DOLE), Social Security System (SSS), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang mga aprubadong DEAR PRESS! na aplikante ay makatatanggap ng P5,000 bilang tulong pinansyal mula sa FDCP para makatulong sa kanilang gastusin sa gitna ng pambansang state of calamity. Ang DEAR PRESS! application period ay mula Marso 30 hanggang Abril 30, 2020.
Heto ang DEAR PRESS! Program requirements:
Kinumpletong National Registry for Entertainment Press (NREP) at DEAR PRESS! Application Forms
Kahit na anong patunay ng kita (income tax return, payslips, vouchers, etc.) o Press ID
Certificate of Engagement mula sa publisher, editor, o media publication
Kopya o link ng kahit isang pinakabagong published article tungkol sa Philippine Showbiz/Entertainment Industry (mula Enero 2020 hanggang Marso 2020) o kahit na anong published article tungkol sa isang press event na sponsored o sinuportahan ng FDCP (mula 2019 hanggang 2020)
Ang mga aplikasyon ay kailangang ipadala online sa FDCP National Registry (dearnationalregistry@fdcp.ph). Kapag naaprubahan ang aplikasyon, idedeposito ng FDCP personnel ang P5,000 sa bank account ng benepisyaryo o ipapadala ito sa pamamagitan ng money remittance service. Dahil ang DEAR fund ay pondo ng gobyerno para sa kapakanan ng mga benepisyaryo, kailangan ng mga aprubadong aplikante na gumawa ng return service sa diwa ng pagbibigay serbisyo sa komunidad at AV content industry. Ang mga DEAR PRESS! na benepisyaryo ay kailangang sumali sa dalawang (2) kaganapan, aktibidad, o proyektong pinamumunuan o sinusuportahan ng FDCP sa loob ng dalawang (2) taon simula ng pagtanggap ng DEAR PRESS! tulong pinansyal.
Samantala, ang mga miyembro ng entertainment press na apektado ng COVID-19 at kabilang sa payroll ng isang kumpanya (bilang regular, contractual, seasonal, o project-based na empleyado), ay maaaring sumangguni sa mga DOLE assistance program na COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD). Maaari rin nilang tignan ang mga assistance program ng SSS, DTI, Department of Finance (DOF), at kanilang mga lokal na pamahalaan.
Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa http://fdcp.ph/dear-program at sa FDCP National Registry Facebook page (http://www.facebook.com/FDCPNationalRegistry).
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa FDCP National Registry sa pamamagitan ng e-mail (dearnationalregistry@fdcp.ph) o text messaging sa +63 917 800 3227.